Boltahe ng kuryente sa Poblacion West, Rizal lumakas umano dahil sa Hydroelectric Power Plant

   Kung dati ay medyo mahina ang signal ng telebisyon ng pamilya Ducusin, ngayon ay maayos na umano silang nakakapanuod dahil sa kuryenteng sinusuplay ng Hydroelectric Power Plant sa Brgy. Poblacion West sa Bayan ng Rizal.

   Nagagamit din ng mga magsasaka ang tubig na dumadaloy sa naturang Hydro Dam na syang ginagamit upang makalikha ng kuryente.

Lumakas umano ang boltahe ng kuryente sa Brgy. Poblacion West sa bayan ng Rizal mula ng mag-operate ang Hydroelectric Power Plant na itinayo ng PNOC renewable corporation, ngunit kaakibat nito ay bahagya namang tumaas ang bayarin ng ilang residente doon.

Lumakas umano ang boltahe ng kuryente sa Brgy. Poblacion West sa bayan ng Rizal mula ng mag-operate ang Hydroelectric Power Plant na itinayo ng PNOC renewable corporation, ngunit kaakibat nito ay bahagya namang tumaas ang bayarin ng ilang residente doon.

   Sa panahon naman ng tag-ulan, ayon kay Pelayo Benemerito, Gate Keeper ng UPRIIS District I, ay hindi rin naman umano nagdudulot ng pagbaha ang tubig sa naturang proyekto dahil binabawasan ng NIA ang bulto ng tubig na dumadaloy dito mula sa Pantabangan Dam.

   Kaakibat ng magandang suplay ng kuryente ay bahagya naman umanong tumaas ang bayarin sa kuryente ng pamilya Ducusin na nakatira malapit sa naturang planta.

   Ayon kay Prisca Ducusin, kung dati ay nasa 100-150 pesos lamang ang kanilang binabayaran sa kuryente, ngayon ay umaabot na ito sa limang daang piso.

   Kung dati naman ay nasa isang daang piso lang ang binabayaran ni Ronald Ducusin sa kuryente, ngayon ay umabot ito sa 250 pesos.

   Sa panayam kay Engr. Kien Fin Joe Benemerito, Electrical Engineer ng PNOC Renewable Corporation, ang kuryenteng nalilikha ng Hydroelectric Power Plant ay ibinebenta nila sa NEECO II Area II.

   Dagdag ni Engr. Benemerito, nasa isang libong kabahayan ang kayang suplayan ng kuryente ng 1 megawatt hydroelectric power plant.

   Nagsimula ang commercial operation ng Hydroelectric Power Plant sa Brgy. Poblacion West noong July 2015. –Ulat ni Jovelyn Astrero

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s