Nueva Ecija, nag tala ng zero casualty ng Indiscriminate Firing sa pag pasok ng taong 2017

   Sa pag salubong ng bagong taon walang naitalang kaso ng indiscriminate firing sa buong lalawigan ng Nueva Ecija, yan ay sa patuloy na pag babantay ng kapulisan sa buong bansa alinsunod na rin sa utos ni PNP Chief Bato Dela Rosa. Lahat ng kapulisan ay naka poste sa iba’t ibang lugar mula alas 5 ng hapon hanggang alas 5 ng madaling araw na may pinaka maraming naitatalang biktima ng paputok at indiscriminate firing.

Sa pag salubong ng bagong taon walang naitalang kaso ng indiscriminate firing sa buong lalawigan ng Nueva Ecija, yan ay sa patuloy na pag babantay ng kapulisan sa buong bansa alinsunod na rin sa utos ni PNP Chief Bato Dela Rosa. Lahat ng kapulisan ay naka poste sa iba’t ibang lugar mula alas 5 ng hapon hanggang alas 5 ng madaling araw na may pinaka maraming naitatalang biktima ng paputok at indiscriminate firing.    Gayunpaman ay nakakompiska ang kapulisan ng mga ipinagbabwal na paputok mula umaga ng December 31, 2016 hanggang umaga ng January 1, 2017. Isa ang arestado at kumpiskado ang mga illegal na paputok sa Talavera . habang naka kumpiska naman ng 13 boga sa San Jose City at 21 piraso ng fountain, 26 na lusis at 40 piraso ng kwitis sa Cabanatuan City. – Ulat ni Amber Salazar

   Gayunpaman ay nakakompiska ang kapulisan ng mga ipinagbabwal na paputok mula umaga ng December 31, 2016 hanggang umaga ng January 1, 2017. Isa ang arestado at kumpiskado ang mga illegal na paputok sa Talavera . habang naka kumpiska naman ng 13 boga sa San Jose City at 21 piraso ng fountain, 26 na lusis at 40 piraso ng kwitis sa Cabanatuan City. – Ulat ni Amber Salazar