Nueva Ecija, may pinaka maraming bilang ng drug surrenderees

   Ipinagmalaki ng bagong itinalagang Director ng Nueva Ecija Provincial Police Office na si Police Senior Superintendent Antonio Yarra na nangunguna ang lalawigan sa may pinaka maraming bilang ng drug surrenderees sa Central Luzon.

   Sa eksklusibong panayam kay Provincial Director Yarra, masaya nitong ikinuwento sa Balitang Unang Sigaw ang accomplishment ng NEPPO sa ilalim ng sinundang pinuno na si dating PD Manuel Cornel.

   Base sa report ng NEPPO Provincial Anti-illegal Drugs Monitoring Campaign mula October 26, to December 20 umabot sa 11, 157 pushers and users ang sumurender.

Patuloy ang kampanya ng NEPPO kontra pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Patuloy ang kampanya ng NEPPO kontra pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

   163 sa mga sumukong tulak ng illegal na droga ay kasama sa Watch list habang tatlumpo at dalawa rito ay hindi. 255 ang umaming gumagamit ng drugs at mahigit sampong libo ang wala sa listahan.

   Pumalo naman sa mahigit anim na libong kabahayan ang binisita ng kapulisan, kung saan 538 sa mga ito ay kabilang sa Drug Watch list.

   Bagaman na-account na aniya ang lahat ng drug personalities sa lalawigan ay magpapatuloy pa rin ang mga aktibidad kaugnay ng kampanya kontra illegal na droga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga barangay, lokal na pamahalaan, at pamahalaang panlalawigan.

   Nag-iwan din ng mensahe si PD Yarra sa mga nagbebenta at umaabuso sa ipinagbabawal na gamot na sumurender na at samantalahin ang programa ng gobyerno para makapagbagong buhay pa sila.- ulat ni Clariza de Guzman