Mga traktora, libreng ipahihiram sa mga magsasaka ng Bongabon –Mayor Ricardo Padilla

   Libreng pagpapahiram ng traktora ang isasalubong ng Punong Bayan ng Bongabon sa pagpasok ng 1st quarter ng bagong taon. Ayon kay Mayor Ricardo Padilla, nakakasa na ang apat na bagong makina para sa mga magsasaka.

   Magandang balita para sa mga magsasaka ng bayan ng Bongabon ang isasalubong ng Punong Bayan sa pagpasok ng bagong taon.

   Ayon kay Mayor Ricardo Padilla, sa pagpasok ng unang bahagi ng taong 2017 ay asahan na ng magsasaka ang apat na traktora na libre aniya ipahihiram sa mga manggagawang bukid, tanging ang gagastusin lamang nila ay ang krudo ng sasakyan.

   Sinabi pa ni Mayor Padilla, na unang batch pa lamang ang mga ipapamamahaging traktora. Kukumpletuhin umano niya ito hanggang maging isang dosena.

   Karaniwan sa mga magsasaka ay umuupa lamang ng traktora upang masimulan ang pagpupunla ng mga butil ng palay o buto ng sibuyas sa kanilang bukid. Kung saan, pumapalo sa tatlo hanggang apat na libong piso ang kanilang nagagastos kada panahon ng taniman.

   Pangunahing prayoridad ng Punong Bayan na patuloy na magsulong ng mga programa na makatutulong sa mga magsasaka, upang mapalakas ang produksiyon ng sibuyas at mapanatili ng naturang bayan ang pagiging  “Onion Capital “ sa  bansa.

   Ang programang libreng pagpapahiram ng traktora sa mga magsasaka ay nauna nang ipinagkaloob ng Provincial Government sa buong probinsiya na inumpisahan ni Former Gov. Aurelio Umali at ipinagpapatuloy ngayon ni Gov. Cherry Umali. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s