6 NA KOPONAN NAKILAHOK SA PAGBUBUKAS NG IKALAWANG INTERCLUB BASKETBALL LEAGUE

  Nagtagisan ng galing ang anim na koponan na sumali sa Pangalawang InterClub Basketball League na ginanap sa Umali Gym ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa Cabanatuan City.

Ikalawang InterClub Basketball League, Inisponsoran ni Gov. Cherry

Ikalawang InterClub Basketball League, Inisponsoran ni Gov. Cherry

  Ang palaro ay inisponsoran ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Cherry Domingo Umali sa pakikipagtulungan ni Vice Mayor Doc. Anthony Umali at Atty. Aurelio Umali.

  Layunin ng friendship game na magkilala at magkasama-sama ang mga manlalaro ng team dito sa Cabanatuan mula sa Hoopsters Club, Tuesday Club,Thursday Club, Driblers, After Six Am, at Aafter Six Pm.

  Noong nakarang Interclub ay naging Champion ang Tuesday Club, 1st Runner up naman ang Thursday Club 2nd Runner up ang Driblers at ang 3rd Runner up ay After Six.

  Hanggang ngayong araw nalang na ito ang laro at mamayang hapon ay malalaman na kung anong team ang tatanghaling Champion.

  Mag-uuwi naman ng Cash Prize at Tropeyo ang papalaring manalo, 10,000 Libo sa Champion 7000 naman sa 1st Runner up at 5 000 sa 2nd runner up.

At consolation prize na 2,000 Pesos para sa Lahat ng Lumahok. -Ulat Ni Phia Sagat