CRT SENIOR HIGH SCHOOL BUILDING, MAGAGAMIT NA SA SUSUNOD NA PASUKAN

  Inaasahang magagamit na ang Bagong Tayong Building ng CRT Senior High sa susunod na enrollment, na pinasinayaan noong Sabado, na matatagpuan sa Del Pilar Street, Cabanatuan City.

Bagong Tayong CRT Senior High School, Pinasinayaan na!

Bagong Tayong CRT Senior High School, Pinasinayaan na!

  Sa mensahe ni Dr. Reynato C. Arimbuyutan, Presidente ng Naturang Paaralan, Hiling nito na maging matagumpay ang lahat ng mga mag-aaral ng kanilang eskwelahan sa anumang larangang kanilang Pipiliin.

  Nagpasalamat din ito sa lahat ng mga guro at mga taong sumusuporta para sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

  Nagpahayag naman ng patuloy na pagsuporta si Lapit Malambut, PTA President ng CRT Senior High, para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng paaralan at ng mga mag-aaral.

  Sinabi naman ni Rev. Father Armando Caleon, na ang pag-aaral ay isang mabuting paraan upang maabot ang mga hangarin sa buhay.

  Samantala, magandang balita naman para sa eskwelahan ang naging resulta ng katatapos na Licensure Examination for Teachers dahil isang daang porsyento ng kanilang mga education graduates ay nakapasa dito.

  Bilang Pagkilala sa mga mag-aaral ay pinarangalan ang mga ito ng eskwelahan, ang mga estudyante ay kinabibilangan nina Allysa Cruz, Carlo Vilareal, Andrew Joseph Dela Cruz, Princess Mae Crespo, Maricar Martin, Jervin Ramos, Euselle Sarangaya, at si Robert John Del Pilar

CRT LET Passers, Pinarangalan!  

CRT LET Passers, Pinarangalan!

-Ulat ni Phia Sagat