Annual Investment Plan ng Lungsod ng Cabanatuan para sa taong 2017, aprubado na

   Ipinasa na ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang AIP o Annual Investment Plan ng Cabanatuan para sa susunod na taon.

   Inaprubahan na sa katatapos na pagpupulong ng Sangguniang Panlungsod ang Annual Investment Plan (AIP) ng Cabanatuan para sa taong 2017.

   Umakyat sa P1, 346, 443, 771 ang inihaing budget para sa susunod na taon.

   Ang AIP 2017 ay nahahati sa tatlong sektor: ang 30.12% nito ay mapupunta sa Economic Services na nagkakahalaga ng P405, 493, 631; habang ang 36.19% ay mailalagay sa Social Services na umabot sa P487, 336, 36; at ang General Services na may 33.69% ay nagkakahalaga ng P453, 614, 104.

   Nakapaloob sa nasabing Investment Plan ang mga proyekto ng lungsod sa ilalim ng 20% development fund na may tatlong dibisyon: ang pinakamalaking bahagi nito ay ang Economic Development na umabot sa P63, 506, 755. Kung saan, nakapaloob dito ang P61, 800, 000 para sa Roads and Bridges Development Program; habang ang P55 million naman  ay nakalaan para sa Environmental Development; at P43 million para sa Social Development.

   Ang AIP ang unang hakbang upang maiakyat sa deliberasyon ng Sangguniang Panlungsod at mga Department Heads ang budget para sa taong 2017.

   Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, ang paghahanap ng mga dokumento at pagtatanong sa mga department heads ay hindi nangangahulugan ng pagharang sa mga ninanais na programa ni Mayor Jay Vergara. Kundi nais lamang umano na maisagawa ito sa tamang proseso.

-Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s