MGA PINAGBABAWAL NA PAPUTOK, TINUKOY NG DTI-NE

   Tinukoy ng Department of Trade and Industry ang mga ipinagbabawal na paputok sa publiko sa papalapit na bagong taon upang maging handa at ligtas ang mga ito,  sa ginanap na Kapihan with Media  sa Negosyo Center, Cabanatuan city.

   Kabilang sa mga paputok na bawal ang Watusi, Piccolo, Super lolo and Atomic, Big triangulo, Mother rockets, Lolo thunder, Pillbox, Boga, Sinturon ni judas, Big bawang, Kwiton, Goodbye philippines at Kabasi.

Tinukoy ng Dti ang mga ipinagbabawal na paputok ngayong papalapit na ang Bagong taon.

Tinukoy ng Dti ang mga ipinagbabawal na paputok ngayong papalapit na ang Bagong taon.

   Ayon kay Dti Provincial Director Brigida Pili, siguraduhin na kapag bibili ng paputok na Locally manufactured tignan kung mayroon itong nakatatak na Philippine Standard o PS Mark at kapag imported naman tignan kung mayroong nakalagay na Import Commodity Clearance o ICC Mark na nagpapatunay na ligtas ang paggamit ng mga ito.

 Ayon kay Dti Provincial Director Brigida Pili, siguraduhing ligtas ang mga bibiling paputok.

Ayon kay Dti Provincial Director Brigida Pili, siguraduhing ligtas ang mga bibiling paputok.

   Sa ilalim ng Republic act no. 7183 kinokontrol ng gobyerno ang pagbebenta, paggawa ,distribusyon at paggamit ng paputok at iba pang Pyrotechnic devices.

   Dagdag pa ni Pili, dapat sugpuin ang mga lumalabag sa batas upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan lalo na at papalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.

   Paalala pa ni Pili, mag-ingat  sa mga bibilin na pang-dekorasyon sa darating na kapaskuhan tulad ng Christmas light at gumamit na lamang ng alternatibong pamamaraan sa pagdiriwang ng Bagong taon.

   Maging mapanuri sa pagbili ng mga paputok na kung saan hindi ito makakaapekto sa kalusugan.

   Maaaring magreklamo sa tanggapan ng Dti o tumawag sa numerong 09209072973 at landline number 044-463-8296. -Ulat ni Majoy Villaflor