Bongabon Mayor Ricardo Padilla, ikinatuwa ang direktang pagbili ng mga malalaking kumpanya sa produkto nilang sibuyas

   Ikinatuwa ni Mayor Ricardo Padilla ang agarang pagtugon ng Department of Agriculture (DA) sa hinaing ng mga magsasaka sa bayan ng Bongabon na kontra sa importasyon ng sibuyas sa Pilipinas.

   Ito ay kaugnay ng pangako ng Kagawaran ng Agrikultura na direkta ng bibili sa kanila ng sibuyas ang mga malalaking kumpanya upang tuluyan ng matuldukan ang pagmamanipula ng presyo ng ilang grupo ng mga namamakyaw at nangangalakal at mabawasan o tuluyan ng maihinto ang importasyon ng sibuyas mula sa ibang bansa.

   Ngunit, aminado si mayor padilla, na hindi talaga maiiwasan ang importasyon ng sibuyas dahil sa laki ng demand nito sa merkado.

   Base sa pag-aaral, umaabot sa tatlumpong bags ng sibuyas ang kailangan ng Pilipinas araw-araw na naglalaman ng dalawampu’t limang kilo kada bag.

   Habang pitumpong porsyento na produkto ng sibuyas sa bansa ay galing sa Nueva Ecija at ang limampung porsyento nito ay mula sa kanilang bayan.

   Hiling pa ng Punong Bayan sa National Government, na matulungan silang maipagawa ang dike sa Brgy. Pesa, na sinira ng Bagyong Lando noong nakaraang taon.

   Matatandaan na agarang ipinagawa ng Provincial Government sa pangunguna ni Former Gov. Aurelio Umali, ang naturang dike matapos magdaan ang bagyo. Ngunit, pansamantala lamang ito dahil hindi sapat ang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan at Munisipyo ng Bongabon upang muling gawing konkreto ang dike. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s