PANGARAP NA GYMNASIUM NG STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL, NAISAKATUPARAN NA NANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

   Labis ang Pasasalamat ng mga estudyante at guro ng Sto. Rosario National High School sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa pagtupad ng kanilang Pinapangarap na Gymnasium.

Gymnasium na Matagal ng Pinapangarap ng Sto Rosa rio National High School, Natupad na

Gymnasium na Matagal ng Pinapangarap ng Sto. Rosario National High School, Natupad na

  Kwento ni Diana Maris Delos Reyes, grade 9 student ng naturang paaralan, noong wala pa silang gym ay nabibilad ang mga ito sa init ng araw tuwing nagdaraos ang kanilang eskwelahan ng mga okasyon.

  Ngayon na Napagkaloob na sila ng gymnasium ay may maayos na silang venue para sa ibat-ibang aktibidad ng kanilang Paaralan.

  Ayon kay Jonathan Santiago, MAPEH teacher I, Malaking tulong para sa kanila ang gym na ipinagkaloob ni Governor Czarina Umali at First Gentleman Atty. Aurelio Umali, dahil magsisilbi itong silungan ng mga estudyante at hindi na sila mag hahanap ng lugar para mag practice sa para sa okasyon sa paaralan

  Pinuri naman ni School Division Superintendent Ronaldo Pozon ang proyektong ito ng mag-asawa dahil dito lamang aniya sa Lalawigan ng Nueva Ecija nakita ang ganitong uri ng pagtulong ng mga nanunungkulan sa mga mamamayan.

  Nagpahayag din ito ng inggit sa mga Novo Ecijano dahil sa mga proyektong ipinagkakaloob ng Provincial Government na kapaki-pakinabang.

  Pasasalamat din ang Mensahe nito sa mag-asawa dahil sa walang sawang pagsuporta ng dalawa sa mga paaralan sa Nueva Ecija.

  Sinabi ni Atty. Oyie Umali sa kanyang mensahe na masaya siya sapagkat siya ay isang taga Sta. Rosa at hindi niya kayang tanggihan ang hiling ng nasabing lugar.

  Ang lupang kinatatauyan ng naturang paaralan ay nagmula sa donasyon ni dating Gobernador Atty. Matias Umali

  Samatala, pinasinasinayaan na ang gymnasium sa Sto. Rosario National High School sa Pangunguna ni Atty. Aurellio Matias Umali na Kinakatawan ni Governor Cherry Umali. -Ulat ni Phia Sagat

Pinasinayaan na ang Bagong Tayong Gymnasium ng Sto Rosario National High School -Ulat ni Phia Sagat

Pinasinayaan na ang bagong tayong Gymnasium ng Sto. Rosario National High School