Pagprotekta sa Sierra Madre paiigtingin; Sierra Madre Council, binabalangkas

   Binabalangkas ng Department of Environment and Natural Resources, Sierra Madre Alliance Network Incorporated, at Civil Society Organizations ang pagbuo sa Sierra Madre Council upang paigtingin ang pagprotekta sa Sierra Madre Mountain Ranges.

Nagkaisa ang mga ahensiya ng gobyerno, lgu, at Civil Society Orgs sa Central Luzon na protektahan at buhayin ang Sierra Madre.

Nagkaisa ang mga ahensiya ng gobyerno, lgu, at Civil Society Orgs sa Central Luzon na protektahan at buhayin ang Sierra Madre.

   Sa ginanap na Sierra Madre Summit sa Leivy Lance Resort sa bayan ng Gabaldon, sama-samang ipinahayag ng iba’t ibang mga katutubo, mga miyembro ng People’s Organizations, Academe, Non-Government Organizations, religious group, mga ahensya ng gobyerno, at local na pamahalaan ng Central Luzon ang pagkakaisa para pangalagaan ang Sierra Madre sa pamamagitan ng paglagda sa kasunduan.

   Inatasan ni DENR Secretary Gina Lopez Roy si Undersecretary Jonas Leones at Father Pete Montallana ng Sierra Madre Alliance Network Inc. na buuin ang Council sa lalong madaling panahon bilang pagtugon sa patuloy na pagkawasak sa nasabing kabundukan.

   Ang Sierra Madre ang pinaka mahabang bulubundukin sa Pilipinas, at kinikilalang backbone o gulugod ng isla ng Luzon. Tinatayang may sukat itong 1.4 milyong ektarya na sumasaklaw sa sampong lalawigan ng Regions 2, 3, at 4. Maraming samu-saring buhay tulad ng Haribon na matatagpuan sa kagubatan nito.

   Dito rin sa kabundukan nagmumula ang patubig para sa malawak na sakahan sa tatlong rehiyon, maging ang supply ng tubig sa 13 milyong residente ng Metro Manila, at karatig probinsiya, at nagsisilbing hadlang sa malalakas na kalamidad.

Pangarap ng mga opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng iba’t ibang mga katutubo, NGO, at People’s Org. na mapanumbalik sa pagiging paraiso ang Sierra Madre.

Pangarap ng mga opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng iba’t ibang mga katutubo, NGO, at People’s Org. na mapanumbalik sa pagiging paraiso ang Sierra Madre.

   Ngunit sa kabila ng inihahatid na ecosystem services ng Sierra Madre, ito ay nakararanas at humaharap sa mga suliraning pangkalikasan. Kagaya ng logging, pagkakaingin, pagtatayo ng mga mapanirang proyekto tulad ng malalaking dam, at pagbibigay ng mga programa ng gobyerno sa malalaking kompanya, at korporasyon.

   Inaasahan na sa pagkakatatag ng SMC mapangangalagaan ang natitirang likas na yaman ng Sierra Madre na base sa pinaka huling datos ng Environmental Science for Social Change noong taong 1999 ay mayroon na lamang 18.3% na kagubatan. – ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s