PAGPAPAILAW SA UNITY CHRISTMAS TREE NG SAN JOSE CITY, NAGHATID NG KASIYAHAN

  Ganap na alas 8: 23 pm, noong November 19, 2016 sinindihan na ang Christmas lights na nakapalamuti sa Giant Christmas tree ng lokal na pamahalaan ng San Jose  na may taas na 60 feet na gawa sa ibat ibang Recycled materials at matitibay na bakal na pinagsama-sama upang maging pundasyon nito.

Giant Christmas Tree ng Bagong San Jose City

Giant Christmas Tree ng Bagong San Jose City

   Ayon kay ate Eloisa Del Rosario, gandang-ganda siya sa mga palamuting pang-pasko na nakapalibot sa harap sa ng City Hall.

   Tinagurian itong unity Christmas tree dahil sumisimbulo umano ito sa pagkakaisa ng mga bagong halal na pinuno ng pamahalaan ng bagong San Jose.

libo-libong san josenian dumagsa upang masaksihan ang ang ganda ng giant Christmas tree

libo-libong san josenian dumagsa upang masaksihan ang ang ganda ng giant Christmas tree

  Dumalo at nakiisa sa naturang event sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, Councilors Jose Felimon, Wilfredomunsayac, Jenny Salvador, Nino Laureta, Roy Andres at Deped School seperintendent Teresa Mababa.

  Ayon naman sa ama ng bayan ng San jose na si  Mayor mario “kokoy”  Salvador, napansin niya na marami ang naliligayahan  habang pinagmamasdan ang mga Christmas decoration kaya naging pasyalan na ng mga mamamayan ng San Jose ang harap ng City Hall.

  Bago pinailawan ang Christmas Tree, nagpamalas muna ng Iba’tibang talento sa pampasiglang bilang ang Central Luzon State University Maestro Singers,Department of Education Choir, San Jose west Central School at madami pang iba.

  Pinangunahan ni Bishop Roberto C. Mallari at Father Edwin Bravo ang pagbubukas ng mini bazaar at mataimtim na panalangin sa harap ng Belen, kasama si mayor “kokoy” Salvador, kanyang asawa, anak at kapatid na sumuporta sa programa

  Araw-araw hanggang sumapit ang kapaskuhan may mga activity na ihinanda na gaganapin sa City hall ng San Jose, ilan sa mga ito ang Choral Competition, Zumba, sayawan at kantahan. -Ulat ni Phia Sagat