Mga Tanggapan at Ahensya ng Gobyerno sa Old Capitol Compound, ililipat sa Business Hub

   Malapit nang lumipat ang mga Government Offices and Agencies na umuokopa sa Old Capitol Compound, Cabanatuan City sa bagong Government Building sa Palayan City.

   Ang lilipatang gusali ay bahagi ng dalawang bilyong halaga ng kauna-unahang Business Hub sa Lalawigan na ipinatayo sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng Alloy MTD-Philippines, Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at Pamahalaang Panglungsod ng Palayan.

Inihahanda na ang Government Building sa Palayan City na paglilipatan ng ilang Tanggapan at Ahensya ng Gobyerno na kasalukuyang nasa Old Capitol Compound, turn-over ng gusali inaasahan sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

Inihahanda na ang Government Building sa Palayan City na paglilipatan ng ilang Tanggapan at Ahensya ng Gobyerno na kasalukuyang nasa Old Capitol Compound, turn-over ng gusali inaasahan sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

   Ayon kay Provincial Administrator Alejandro Abesamis, inaasahang sa ikatlong linggo ng Nobyembre ang turn-over sa Provincial Government ng isa sa apat na gusali ng Business Hub na magiging Government Building.

   Dalawa dito ay para sa BPO o Business Process Outsourcing Company, habang ang isa naman ay gagawing Hotel Commercialize Building.

   Ilan sa mga lilipat ay ang opisina ng Department of Education, Red Cross, NBI o National Bureau of Investigation, CIDG o Criminal Investigation and Detention Group, nag-commit na rin umano ang DFA o Department of Foreign Affairs, habang kasalukuyan pang pinag-uusapan ang paglipat ng Provincial COMELEC.

   Mananatili naman ang gusali ng RTC-Cabanatuan dahil sa mga historical values nito, habang ang mga sala court nito ay lilipat sa bagong Hall of Justice sa Caalibangbangan sa Lungsod ng Cabanatuan.

   Dagdag ni Abesamis, planong gawing one stop shop ng Pamahalaang Panlalawigan ang Government Building na ito para hindi na mahirapan ang mga Novo Ecijano sa pagkuha ng mga dokumento.

   Ayon pa rin kay Abesamis, ang Old Capitol Compound ay pagtatayuan din ng kahalintulad na pasilidad na nasa Palayan na hahawakan ng Robinsons.

   Ang Business Hub na ito ay ang magiging State of the Art o magiging sentro ng Industriya ng Information Technology sa Lalawigan. –Ulat ni Jovelyn Astrero