Php17.5-B AIP budget for 2017 ng Nueva Ecija, idinepensa sa Sangguniang Panlalawigan

   Ipinaliwanag ni Engineer Dennis Agtay, member ng local finance committee sa hearing ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan kung bakit umabot sa Php17.5-Billion pesos ang target na budget ni Governor Czarina Umali para sa Annual Investment Program ng pamahalaang panlalawigan gayong Php2.6-Billion lang ang taunang budget ng Nueva Ecija.

Sa loob ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija habang nagsasagawa ng budget deliberation.

Sa loob ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija habang nagsasagawa ng budget deliberation.

   Sa overview ng AIP na iprinisenta ni Engineer Agtay, isiniwalat nito na hindi lamang sa annual budget kukuha ng gagastusin upang maipatupad ang mga planong proyekto sa probinsiya.

   Mayroon din aniyang pondo na manggagaling mula sa National Government katulad ng PRDP o Philippine Rural Development Program at PRNDP o Provincial Road Network Development Plan.

Php17.5-B AIP budget for 2017 ng Nueva Ecija, idinepensa sa Sangguniang Panlalawigan

   Ayon kay Governor Cherry Umali, makatatanggap ng ayuda ang Nueva Ecija dahil noong panahon ng panunungkulan ni Governor Aurelio Umali ay ginawaran ito ng DILG o Department of Interior and Local Government ng Seal of Good Governance.

   Sa ilalim ng Kalsada Project o Konkreto at Ayos na Lansangan at Daan Tungo sa Pangkalahatang Kaunlaran, naglaan ng Php250-Million pesos na halaga na gugugulin upang maipa-semento ang  San Antonio-Zaragosa road, Macabaclay-Bato Ferry road, at para mapalitan ang sirang daan na Natividad-Mataas na Kahoy-Luna road.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s