ILANG NOVO ECIJANO, PABOR NA IHIMLAY SI MARCOS SA LIBINGAN NG MGA BAYANI

16   Patuloy pa rin ang mga protesta sa paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga Bayani sa kabila ng pag-apruba dito ng Korte Suprema. Kaugnay nito, inalam natin ang pulso ng mga Novo Ecijano.

   Mainit parin ang usapin ng paghahatid sa labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga Bayani kahit pinayagan na ito ng Supreme Court.

   Marami pa rin ang patuloy na umaalma ngunit marami din ang pumapabor, dito sa lalawigan ng Nueva Ecija ay sinubukang kunin ng Balitang Unang Sigaw News team ang saloobin ng mga Novo Ecijano.

   Lumalabas na Labing dalawa sa aming mga nakunan ng opinyon ang pumapabor habang isa sa mga ito ang kumontra.

Isa si tatay Abelino Tacusalme sa mga pumabor na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Isa si tatay Abelino Tacusalme sa mga pumabor na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

   Ilan sa mga kadahilan kung bakit karapat-dapat umanong mailibing si Marcos sa libingan ng mga bayani ay dahil naging maayos ang pamamalakad nito sa Pilipinas at mas mabuti na daw ilagay sa ayos ang mga bangkay nito.

   Habang ang nag-iisang hindi pumabor sa aming mga nakapanayam ay nanindigan na hindi ito karapat-dapat na mailagak sa naturang libingan dahil sa maraming Pilipinong nagbuwis ng buhay noong panahon ng Martial law sa ilalim ng panunungkulan nito.

Si Mark Cachuela naman ang nagiisang hindi Pumabor sa Pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga Bayani.

Si Mark Cachuela naman ang nagiisang hindi Pumabor sa Pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga Bayani.

-Ulat ni Majoy Villaflor

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s