SAYA NG PAGBIBIGAYAN, MENSAHE NG SM MALLS SA UNVEILING NG KANILANG CHRISTMAS TREE

   Naging makakulay at puno ng sorpresa ang unveiling ng SM ng kanilang christmas tree na hudyat ng pagsisimula ng celebrasyon ng kapaskuhan ng SM sa lahat ng Branches nito. Sinimulan na ng SM ang maagang celebrasyon ng kapaskuhan ng I-unveil na nito ang kanilang Christmas tree na sabay sabany ginagawa ng SM sa lahat ng branches nito sa buong bansa.

SAYA NG PAGBIBIGAYAN, MENSAHE NG SM MALLS SA UNVEILING NG KANILANG CHRISTMAS TREE

   Ayon sa SM management hindi pa rin nagbabago ang kanilang mensahe tuwing kapaskuhan at ito ay ang saya sa pagbibigayan at  ang kahalagahan na kasama mo ang iyong pamilya ngayong pasko.

SM Cares, Bears Of Joy

SM Cares, Bears Of Joy

   Bukod pa dito ay inihayag din ng SM ang kanilang adbokasiya through SM care na pag bibigay ng Bears of joy. Ang bawat bibili ng pares na teddy bear ay ido-donate ang isa dito sa Charity upang ibigay sa mapipiling kabataan. Ito ay matagal nang adbokasiya ng SM at ginagawa sa lahat ng branches nito. -Ulat ni Amber Salazar