Higit Php2.6-B Annual Budget ng Nueva Ecija, itinutulak ni Gov. Cherry

   Itinutulak ni Governor Czarina Umali ang mahigit sa Php2.6-Billion na halaga ng Annual Budget ng Provincial Government ng Nueva Ecija para sa taong 2017 na gugugulin para sa patuloy na pag-unlad ng probinsiya.

  Sa pamamagitan ng komunikasyon ipinadala ni Governor Cherry Umali, itinakdang talakayin ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan sa darating na Lunes, November 14, 2016 ang isinumiteng panukalang taunang budget ng Nueva Ecija.

  Kaugnay nito, pag-aaralan din ng Sanggunian ang financial status ng pamahalaang panlalawigan, kung saan inimbitahang dumalo sa gaganaping Committee Hearing si Provincial Budget Officer Randolph Alingig.

   Nakasad sa Local Government Code na dapat na ihanda ng local chief executive ang budget ng local government para sa kasunod na taon, at ipasa sa Sanggunian  ng hindi lalampas sa itinakdang petsang October 16 ng kasalukuyang taon.

   Bago naman matapos ang taon kailangang isabatas ng Sanggunian sa pamamagitan ng ordinansa ang annual budget na isinumite ng local chief executive na nakabase sa income ng lokal na pamahalaan at kung saan ito gugugulin.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s