Php80-M, inilaan ng prov’l gov’t pambili ng karagdagang equipment

Nais palakasin ni Governor Cherry Umali ang heavy equipment fleet ng provincial government kaya naman naglaan ng Php80-M na pondo pambili ng 19 na karagdagang kagamitan.

Nais palakasin ni Governor Cherry Umali ang heavy equipment fleet ng provincial government kaya naman naglaan ng Php80-M na pondo pambili ng 19 na karagdagang kagamitan.

   Naglaan ng Php80-Million pesos na pondo ang Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Czarina Umali upang muling bumili ng karagdagang heavy equipment.

   Inaasahan na bago matapos ang taon ay muling magkakaroon ng mga bagong kagamitan ang Provincial Engineering Office na gagamitin umano para mapabilis ang konstruksyon ng mga pagawaing kalsada.

   Ayon kay Governor Cherry Umali, ang walumpong milyong pisong budget na pambili ng labing-siyam na equipment ay manggagaling sa natirang loan ng kapitolyo na inaprubahan ng Land Bank of the Philippines.

   Matatandaan na bago matapos ang termino ng kabiyak ng gobernadora na si Former Governor Aurelio Umali ay isinulong nito ang pagdaragdag ng mga kagamitan ng provincial government upang makatulong sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng magkasunod na bagyong Lando at Nona noong 2015 partikular sa mga bayan ng Gabaldon, Laur, at Bongabon.

Php80-M, inilaan ng prov’l gov’t pambili ng karagdagang equipment

  Patuloy ang clearing operations ng PEO sa mga naturang lugar kaya naman nangangailangan ng dagdag equipment para mapagtuunan din ng pamahalaang panlalawigan ang iba pang pagawaing proyekto.

   Sa kasalukuyan, may kabuuang 72 heavy equipments na napapakinabangan ang lalawigan, kung saan tatlumpo’t tatlo dito ay binili sa ilalim ng panungkulan ni Governor Oyie, kabilang ang mga 10-wheeler dump trucks, loader, grader, at pison.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s