Paglagda ni Gov. Cherry sa rice on credit ng NFA, aprub sa SP sa unang pagbasa

Si Governor Cherry Umali habang nagpapamahagi ng relief goods sa mamamayan ng bayan ng Sta. Rosa.

Si Governor Cherry Umali habang nagpapamahagi ng relief goods sa mamamayan ng bayan ng Sta. Rosa.

   Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa first reading ang renewal ng Memorandum of Agreement kaugnay ng rice on credit ng provincial government represented by Governor Czarina Umali sa National Food Authority.

   Binigyang pahintulot si Governor Cherry Umali sa ginanap na ika-13 regular na sesyon ng Sanggunian na lumagda sa kasunduan upang makautang ng bigas ang pamahalaang panlalawigan sa NFA sa panahon ng kalamidad.

   Sa pamamagitan ng Rice Loan program ng NFA tinitiyak na mayroong nakahandang bigas na ipapamahagi sa relief operations ang mga local government units na nasa ilalim ng state of calamity.

   Batay sa Local Government Code, pinapayagan ang mga lgu na magtabi ng kabuuang 5%  mula sa taunang Internal Revenue Allotment na gugugulin sakaling magkaroon ng kalamidad.

Ang tanggapan ng National Food Authority sa Maharlika Hi-way, Cabanatuan City.

Ang tanggapan ng National Food Authority sa Maharlika Hi-way, Cabanatuan City.

   Upang magamit ito, kinakailangang magpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan/ Panlungsod/ Pambayan na nagpapahintulot sa local chief executive na makautang ng bigas sa NFA gamit ang calamity fund bilang pambayad.

   Aabot naman hanggang sa 5, 000 bags of rice ang pwedeng mabili ng provincial government sa ilalim ng Rice Loan program.- ulat ni Clariza de Guzman