Evolution of Novo Ecijano’s Rice Farming Systems and Filipino Costume Exhibit, ibinukas sa publiko

   Ibinida ng CLSU-CCLS o Central Luzon State University-Center for Central Luzon Studies, Philippine Rice Research Institute, at Ayala Museum ang mga sinauna at makabagong kagamitan sa pagsasaka at mga tradisyunal na kasuotang Pinoy, sa pormal na pagbubukas ng Evolution of Novo Ecijano’s Rice Farming Systems and Filipino Costumes Exhibit.

Bumida ang mga manikang nakasuot ng iba’t ibang tradisyunal na kasuotan ng mga Pinoy sa Exhibit ng CLSU-CCLS sa pakikiisa ng PhilRice at Ayala Museum.

Bumida ang mga manikang nakasuot ng iba’t ibang tradisyunal na kasuotan ng mga Pinoy sa Exhibit ng CLSU-CCLS sa pakikiisa ng PhilRice at Ayala Museum.

   Ayon kay Diadem Gonzales-Esmero, Senior Curator ng PhilRice Rice Science Museum, ang naturang exhibit ay bahagi ng kanilang Kick-Off Activity sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month.

   Aabot sa limang daang artifacts ng mga Rice Material Culture mula sa CLSU-CCLS at PhilRice at dalawampu’t siyam na mga manika na personal na koleksyon ng Ayala Museum ang naka-display sa naturang exhibit.

Koleksyon ng mga sinaunang kagamitan sa pagsasaka na kasalukuyan pa ring ginagamit ng mga Novo Ecijano.

Koleksyon ng mga sinaunang kagamitan sa pagsasaka na kasalukuyan pa ring ginagamit ng mga Novo Ecijano.

   Tantiya ni Esmero, taong 90’s nang simulang ipunin ang mga koleksyong ito sa pamamagitan ng donasyon at research.

   Ayon kay Dr. Ponciano D. Cuaresma, Director ng CCLS, kinakatawan ng mga manikang ito ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino base sa mga suot na makukulay na damit na sumisimbolo sa iba’t ibang katutubong grupo sa bansa.

   Binuksan ang exhibit noong November 3 at magsasara sa November 30, kung saan dalawampung libong viewers ang inaasahang dadagsa dito mula sa buong Central Luzon.

   Bukas ang exhibit simula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi mula lunes hanggang biyernes, at alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa araw naman ng sabado. –Ulat ni Jovelyn Astrero

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s