Eduardo Chua at Novelyn Mangoba, itinanghal bilang Mr. and Ms. Marketista 2016

   Nagpatalbugan sa pagrampa ang mga kalahok na marketista sa Mr and Ms Marketista 2016 ng Wesleyan University-Philippines, na ginanap sa SM Cabanatuan City.

   Glamorosong tignan ang mga naggagandahan at nag gwa-gwapuhang kalahok sa pagsuot ng damit na may malikhaing disenyo sa kanilang creative attire. Maging sa casual attire ay kanya-kaniyang porma at paseksihan ang mga marketista. Kitang-kita din ang tikas at ismarteng dating ng mga kalahok sa kanilang formal at corporate attire.

Ang Top 5 Male and Female Candidates ng Mr and Ms Marketista 2016. (L-R) Eduardo Chua, King Bigcas, Alfred Ignacio, Benedict Nicolas, Michael Dizon, Mary Grace Feliciano, Novelyn Mangoba, Pia Ibay, Pearly Anne Cabilin at Angela De Leon.

Ang Top 5 Male and Female Candidates ng Mr and Ms Marketista 2016. (L-R) Eduardo Chua, King Bigcas, Alfred Ignacio, Benedict Nicolas, Michael Dizon, Mary Grace Feliciano, Novelyn Mangoba, Pia Ibay, Pearly Anne Cabilin at Angela De Leon.

   Sa huli, nakamit ni Male Candidate #9 Eduardo Chua at Female Candidate #6 Novelyn Mangoba ang titulo bilang Mr and Ms Marketista Global 2016.

   Itanghal naman bilang Mr and Ms Marketista International sina King Bigcas at Mary Grace Feliciano Mr and Ms Marketista Philippine Ambassador sina Alfred Ignacio at Pearly Anne Cabilin, Mr and Ms Marketista Nueva Ecija Ambassador sina Michael Dizon at Pia Ibay, at Mr and Ms Marketista 1st runner up sina Benedict Nicolas at Angela De Leon.

   Ayon kay Jonald Ramos Executive President ng Junior Marketing Association (JMA), layunin ng patimpalak na mahasa ang galing ng mga marketista ng kanilang eskwelahan.

   Ang mga nanalo ay nakatakdang lumahok sa national competition na Mr and Ms Marketista Philippines. -Ulat ni Danira Gabriel