Gov. Cherry Domingo Umali, hands on sa operation ng PDRRMC

   Hands on si Governor Czarina Umali sa pagtutok sa inilunsad na bente kwatro oras na operasyon ng Pdrrmc bago at pagkatapos pumasok sa bansa ang nagdaang Bagyong Lawin.

   Alas kwatro pa lamang ng hapon noong Oct 19, 2016 nakahanda na ang  Pdrrmc ng Nueva Ecija sa epekto ni lawin.

   Nakabantay na ang mga Equipment ng Provincial Engineering Office at Dpwh sa mga flashpoint areas o mga lugar na prone sa pagbaha at pagguho ng bundok.

   Siniguro na rin ng Provincial Social Welfare and Development Office ang bilang ng mga relief goods na ipapamahagi.

   Maging ang Medical and Rescue team sa pakikipagtulungan sa Provincial Health Office, Philippine National Police, at Philippine Army.

   Magdamag na nagmonitor sa Operation center sa Auditorium ng Old Capitol Compound ang mga miyembro ng Pdrrmc na pinangasiwaan ni Gov. Cherry Umali.

   Sa ulat ni Gov. Cherry kinabukasan paglabas ng bagyong lawin, Oct 20, 2016, labis ang naging pasasalamat nito sa paglihis ng bagyo sa lalawigan gayundin sa dedikasyon ng mga kawani ng Provincial Government.

Nagbigay ng Datos si Governor Cherry Umali kasama ang Pdrrmc sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Lawin sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Nagbigay ng Datos si Governor Cherry Umali kasama ang Pdrrmc sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Lawin sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

   Alas dose ng tanghali noong huwebes, October 20, 2016 nang matiyak na wala ng panganib, tinapos ang bente kwatro oras na operasyon ng Pdrrmc para sa bagyong lawin. -Ulat ni Majoy Villaflor

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s