26 Million Calamity Fund, ilalaan sa Rice Subsidy at Relief Assistance sa mga nasalanta ng Bagyo

Ilalaan umano ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija ang 26 Million pesos Calamity fund sa Rice subsidy at relief assistance sa mga nasalanta ng Bagyong Karen at Lawin.

Ilalaan umano ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija ang 26 Million Pesos Calamity Fund sa Rice Subsidy at Relief Assistance sa mga nasalanta ng Bagyong Karen at Lawin.

   Sa panayam kay Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis umaabot sa 26 million pesos ang available Calamity  fund ng probinsya as of sept 2016 na gagamitin sa Rice subsidy  at Relief  assistance sa mga nasalanta ng bagyong Karen at Lawin . Ngunit hindi umano ito sasagarin upang may maitabi pa sakaling mayroon pang kalamidad na dumating.

   Sa  direktiba aniya ni Governor Czarina Umali,  20 million ang ilalaang pondo sa rice  subsidy  habang 500,000 ang para sa relief assistance ng mga nasalanta ng bagyo.

   Sa Report ng Office of the provincial agriculture dated October 23,2016 sa PDRRMC, kung saan pinagsama ang  pinsala ng Bagyong Karen at Lawin, kung tutuwirin sa 13 pesos per Kilo ay  pumapalo ng 1.4 Billion pesos ang nalugi  sa Palay mula sa   64 hectares o higit  111,000 metric tons  sa  buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Dahil sa pagkasira ng mga palay na nalubog sa tubig baha at dumapa dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyo bumagsak ang presyo nito sa 14-12-11 pesos kada kilo.

Dahil sa pagkasira ng mga palay na nalubog sa tubig baha at dumapa dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyo bumagsak ang presyo nito sa 14-12-11 pesos kada kilo.

   Ayon kay OPA Serafin Santos nasa 60-70% ang nailigtas na pananim bago tumama ang bagyong Karen habang  ang natitirang  30 % dito ang nasalanta ng bagyo.

Ilang mga palay ang nabulok  at walang laman dahil sa pinsalang tinamo nito sa pagdaan ng Bayong Karen at Lawin

Ilang mga palay ang nabulok  at walang laman dahil sa pinsalang tinamo nito sa pagdaan ng Bayong Karen at Lawin

   Ayon kay Mang Jesus Matadling magsasaka ng Palayan City na nangitim at nabulok ang palay na pananim, mula sa 260 Kabans na kanilang naaani dahil sa bagyo tinatayang aabot na lamang ito sa 80 Kabans na may posibilidad pa aniya na hindi rin makain ng tao dahil sa mag-iiba na ang lasa ng  bigas.

   Maaga pa naman daw para mangamba na magkakaroon ng shortage sa aning palay o bigas ang Nueva Ecija na magiging dahilan ng importasyon ng bigas, dahil hanggang buwan pa ng Disyembre inaasahang aani ang mga magsasakang Novo Ecijano na pangunahing nagp
apakain sa buong bansa- Ulat ni Amber Salazar

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s