Pagdedeklara sa Nueva Ecija sa “State of Calamity, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan

https://youtu.be/4ULTCgb9IaE   Inaprubahan na kahapon (October 24 2016) ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang kahilingan ni Governor Czarina Umali na ideklara sa ilalim ng “state of calamity” ang lalawigan matapos na salantahin ng bagyong Karen.

Hiniling ng Ina ng Lalawigan na isailalim sa State of Calamity ang buong lalawigan dahil sa laki ng pinsala na tinamo ng lalawigan sa Bagyong Karen

Hiniling ng Ina ng Lalawigan na isailalim sa State of Calamity ang buong lalawigan dahil sa laki ng pinsala na tinamo ng lalawigan sa Bagyong Karen

   Base sa liham ni Governor Cherry dated October 24, 2016 sa Sangguniang Panlalawigan, hiniling nito isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa malaking pinsala sa mga pananim ng nagdaang bagyong Karen upang matulungang makabangon ang mga mamamayang naapektuhan ng kalamidad.

Ayon sa Office of the Provicial agriculturist (OPA) halos 30% pa ng mga palay ang hindi pa na haharvest at inabuta ng Bagyong Karen

Ayon sa Office of the Provicial agriculturist (OPA) halos 30% pa ng mga palay ang hindi pa na haharvest at inabuta ng Bagyong Karen

   Ang naturang hakbang ay bunsod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

   Sa pinaka huling report ng Office of the Provincial Agriculturist sa PDRRMC na may petsang October 23, 2016, pumalo sa Php1.6-Billion pesos ang nasalanta sa agrikultura at livestock.

   Habang umabot naman sa Php165-Million pesos ang nasira sa imprastratura batay sa ulat ng Department of Public Works and Highways at Provincial Engineering Office. –Ulat ni Amber Salazar