Panibagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay, itinuro ng Syngenta-Philippines sa mga magsasakang Novo Ecijano

   Naglunsad ng makabagong pamamaraan sa pagtatanim ng palay ang Multi-national company na Syngenta para sa mga magsasakang Novo Ecijano upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga ito tungkol sa hybrid seeds.

   Ipinakilala ng Multi-national Company na Syngenta ang bagong Frontline Hybrid variety ng mga palay sa mga magsasakang Novo Ecijano, na makatutulong upang mas mapataas ang produksyon ng palay sa lalawigan na ginanap sa La benue General Tiñio, Cabanatuan City.

   Kabilang sa mga nagsidalo ang mga magsasaka mula sa bayan ng San Antonio, Gapan, Llanera ,Jaen, Sta-rosa, Talavera ,Aliaga ,San Leonardo ,Cabanatuan ,Zaragoza at Munoz.

Ipinakilala ang variety ng hybrid rice seeds ng Syngenta sa mga magsasakang Novo Ecijano

Ipinakilala ang variety ng hybrid rice seeds ng Syngenta sa mga magsasakang Novo Ecijano

   Ang mga variety hybrid seeds na ito ay ang Frontline S6003 na mainam gamitin sa panahon ng tag-ulan, Frontline Nk5017 na maaaring gamitin sa main crop o dayatan, at Frontline Rh9000 para sa mas maganda at mataas na ani.

   Itinuro din sa mga magsasaka ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay na naglalayong mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga magsasaka upang maging mas produktibo sa pagtatanim ng palay.

   Naglaan din ng mga Inquiry booth ang Syngenta para sa mga magsasakang bago pa lamang sa ganitong uri ng mga hybrid rice seeds at makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

   Ayon sa mga magsasakang sina Manny Aurora at Romeo Yabut, mula ng subukan ng mga ito ang Frontline hybrid rice seeds ng Syngenta ay gumanda ang kanilang mga aning palay at tumaas ang kanilang mga kita.

   Hinikayat naman ng mga distributor ng Syngenta na sina Toby Cayangan at Nancy Pabustan ang mga magsasaka na gumamit ng mga hybrid seeds na garantisadong makatutulong sa pag-angat sa pagtatanim ng palay.

   Itinampok din sa nasabing aktibidad ang pagrampa ng mga naggagandahang dilag bitbit ang Frontline variety hybrid seeds ng Syngenta. -Ulat ni Majoy Villaflor

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s