NEUST PHOENIX, WAGI KONTRA WU-P RIDERS AT CIC KINGS SA NECSL MEN’S VOLLEYBALL QUARTER FINALS

Malalakas na spike ang pinakawalan ng NEUST Phoenix at WUP Riders Men’s Volleyball sa kanilang paghaharap sa quarter finals. Sa huli, wagi ang NEUST, 25-23, 10-25, 25-23.

Malalakas na spike ang pinakawalan ng NEUST Phoenix at WUP Riders Men’s Volleyball sa kanilang paghaharap sa quarter finals. Sa huli, wagi ang NEUST, 25-23, 10-25, 25-23.

   Palitan ng malalakas na palo ang naganap sa paghaharap ng NEUST Phoenix at WUP Riders sa NECSL Men’s Volleyball Quarter Finals.

   Sa 1st set, pumabor ang laban sa NEUST Phoenix, 25-23 sa tulong nina Lopez at Viray.

   Bumawi naman agad ang WUP Riders sa 2nd set sa pamamagitan nina Baylon at Padolina para tambakan ang NEUST, 25-10.

   Sa 3rd set, hindi napanatili ng Wesleyan ang kanilang momentum. Sa pamamagitan ng sunud-sunod na atake ni Viray, nahirapan ng sagutin ng Wesleyan ang opensa ng NEUST. Nagtapos ang 3rd set sa score na 25-23.

NEUST Phoenix vs CIC Kings, magandang laban ang ipinakita; NEUST, wagi

NEUST Phoenix vs CIC Kings, magandang laban ang ipinakita; NEUST, wagi

   Samantala, naging maganda rin ang laban ng NEUST Phoenix kontra CIC Kings. Umabot sa 2 sets ang laban ng dalawang koponan, 28-26, 25-20. Sa huli, napagwagiang muli ng NEUST ang kanilang ikatlong panalo para sa NECSL Men’s Volleyball Quarter Finals. Best player of the game si Viray na nagtala ng 15 puntos.

   Nagharap rin ang Wesleyan Riders at ELJMC Black Ravens sa 2nd day ng Quarter Finals. Nakuha ng Wesleyan ang panalo sa dalawang set ng laban, 25-14, 25-20 sa pangunguna ni Macapagal Jersey #3 na may 10 puntos. Ito ang pangalawang panalo ng Wesleyan habang may 2 talo na nakuha mula sa CLSU Green Cobras at NEUST Phoenix.

CLSU Green Cobras, hindi pa rin nakakatikim ng pagkatalo sa Men’s Volleyball Tournament

CLSU Green Cobras, hindi pa rin nakakatikim ng pagkatalo sa Men’s Volleyball Tournament

   Samantala, sa pagitan ng MVGFC Ambassadors at CLSU Green Cobras, ipinanalo ni Collado jersey #14 ang laban, 25-21, 25-14. Gumawa ng 10 puntos si Collado upang makamit ang dalawang panalo sa quarter finals. –Ulat ni Shane Tolentino