106 drug reformists sa San Leonardo, magtatapos ng training sa TESDA

   Inaasahang magtatapos na ng training sa TESDA sa October 14, 2016 ang 106 drug reformists sa ilalim ng Balik Loob Program ng Project Double Barrel ng San Leonardo Police Station.

Ang 76 drug surrenderrees sa San Leonardo habang nasa training ng welding ng TESDA.

Ang 76 drug surrenderrees sa San Leonardo habang nasa training ng welding ng TESDA.

   Pagkatapos ng mahigit isang buwan, nakatakda nang gumraduate sa pag-aaral ng paghihilot ang 30 drug surrenderrees at 76 naman sa welding training.

   Ayon kay P01 Anna Cristina Asunto, Public Communications Relations ng San Leonardo PS, ang Balik Loob Program ng Double-Barrel stategy ay pagpapatuloy ng “Oplan Tokhang” Project na bahagi ng Anti-Illegal Drugs Campaign ng gobyerno.

   Layunin nito na tulungang makapagbagong buhay at mabigyan ng kabuhayan ang mga dating drug dependents. Sinimulan aniya noong September 7, 2016 ang kanilang training sa TESDA habang nanunuluyan sa Bahay Pagbabago na binuksan noong September 5, 2016.

   Sa loob ng Bahay Pagbabago ng San Leonardo nag-aaral ng paghihilot ang 30 drug reformists.

Sa loob ng Bahay Pagbabago ng San Leonardo nag-aaral ng paghihilot ang 30 drug reformists.

   Binabayaran umano ng San Leonardo Police Station ng  halagang Php10,000.00  ang renta ng dalawang palapag na gusali ng Bahay Pagbabago sa Maharlika Hi-way barangay Diversion, San Leonardo.

   Kabilang sa programa ng Balik Loob ang Zumba, tuwing araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 4:30 AM-6:00 AM, at community service.

   As of October 10, 2016 umaabot na sa 570 drug personalities ang sumuko sa “Oplan Tokhang” ng San Leonardo Police Station, kung saan 567 umano dito ang umaming drug users, habang 3 naman ang pushers.- ulat ni Clariza de Guzman