Mga baterya ng solar lamps na ninakaw sa San Leonardo, pinalitan na

Ang tauhan ng PGSO habang nilalagyan ng cage ang baterya ng solar lamp sa Castellano, San Leonardo.

Ang tauhan ng PGSO habang nilalagyan ng cage ang baterya ng solar lamp sa Castellano, San Leonardo.

   Pinalitan na ng Provincial General Services Office ang mga baterya ng solar lamps sa bayan ng San Leonardo na ninakaw ng apat na binatilyo. Sa 38 batteries ng solar lamps na pag-aari ng Provincial Government na nanakaw sa San Leonardo, 12 sa mga ito ang napalitan na at gumagana ng muli.  Habang 11 naman sa mga baterya ang nilagyan na ng cage upang maiwasan na makuha ng mga magnanakaw.

   Matatandaan na nahuli ng San Leonardo Police Station ang apat na binatilyong magkakasabwat sa pagnanakaw at pagbebenta ng solar lamps sa highway ng Castellano, San Leonardo matapos na i-report ni Engineer Crispin Juan ng PGSO ang mga nawawalang parte nito na umaabot sa Ph1.8-Million ang halaga.

   Ayon kay PSI Domingo Resma Jr, Officer in Charge ng San Leonardo Police Station, sa tulong ng isang asset nagsagawa sila ng entrapment operation kung saan nadakip ang apat na menor de edad na nasa pangangalaga ng MSWDO habang nakakawala pa sina alyas Melvin at alyas Bato na itinuturong mastermind ng grupo.

   Inaayos naman sa kasulukuyan ang kinakailangang dokumento para mailipat sa Regional Rehabilitation for Youth Center ng DSWD, Pampanga ang tatlong binatilyo na nasa edad disisais hanggang disisyete.

Inirekomendang dalhin sa Reg’l Rehab for Youth ng DSWD, Pampanga ang 4 na binatilyong nahuli sa pagnanakaw at pagbebenta ng solar lamps na pag-aari ng provincial Government.

Inirekomendang dalhin sa Reg’l Rehab for Youth ng DSWD, Pampanga ang 4 na binatilyong nahuli sa pagnanakaw at pagbebenta ng solar lamps na pag-aari ng provincial Government.

   Samantalang ang isa sa apat na trese anyos pa lamang ay ibinalik sa pangangalaga ng kanyang mga magulang at minomonitor ng MSWDO ng San Leonardo. Nakatakda naman ngayong araw, October 11, 2016 sa Hall of Justice, Cabanatuan City ang pagdinig sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law o PD 1612 na isinampa kay Reynaldo Figguerroa y Hernandez alyas tatang Rene, may-ari ng junkshop na bumibili ng nakaw na bahagi ng solar lamps.- ulat ni Clariza de Guzman