Solid Waste Management, tinalakay ng LMP-N.E. Chapter

   Tinalakay sa buwanang pagpupulong ng mga miyembro ng League of Municipalities of the Philippines(LMP)-Nueva Ecija Chapter ang pagsasaayos ng mga basura sa kanilang mga nasasakupang bayan/lungsod.

   Ito ay dinaluhan ni Gov. Czarina “Cherry” Umali, First Gentleman Atty. Aurelio “Oyie” Umali, Department heads ng PDRRMC, PHO, PSWDO, Representante mula sa PCSO at labing limang punong bayan at lungsod sa lalawigan.

   Ayon kay Mayor Ferdinand “Blueboy” Abesamis pangulo ng LMP-NE, ang pagbara ng mga basura sa kanal ang isa sa mga dahilan kung bakit lumulubog at matagal ang paghupa ng baha sa mga ilang mababang lugar sa probinsiya. Bukod pa sa panganib na dulot nito sa kalusugan ng mga mamamayan.

   Sa presentasyon ng IPM group of companies isang kumpanya na nagsasagawa ng waste management. Ang mga lugar na pinakamaraming naiipon na basura kada araw sa probinsiya ay ang Cabanatuan City, Gapan City, Guimba, San Antonio, San Jose City, Science City of Muñoz at Talavera.

   Sa kasalukuyan, tatlo ang lugar ang nakaproposed na gawing Sanitary Landfills sa lalawigan ang Brgy Mapalad, Santa Rosa; Brgy Atate, Palayan City; at Guimba. Habang ang ibang munisipyo naman ay dinadala ang kanilang mga basura sa Metro Clark na libo-libo ang nagagastos sa pagpapahakot ng kanilang mga basura kada buwan.

   Sa mungkahi ng IPM group of companies, itatayo ang Sanitary Landfill sa mga bayan ng Cuyapo at Gen. Tinio, ang Cuyapo ang magsisilbing host ng dist. 1 and 2; at ang Gen. Tinio ang magiging host ng dist. 3 and 4.

   Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ang nasabing panukala. -Ulat ni Danira Gabriel