Milyun-milyong pondo ng PDRRMC, ibubuhos sa Gabaldon at Laur

70% ng halos Php30-M na pondo ng PDRRMC for 2017 ay inilaan para sa kahandaan sa panahon ng kalamidad, rehabilitation and recovery ng mga lugar na napinsala ng mga bagyong Lando at Nona noong 2016, at mga proyekto para mabawasan ang epekto ng pagbaha.

   Naglaan ng milyung-milyong halaga ng budget ang Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council sa pamumuno ni Governor Czarina Umali bilang pagtugon sa malaking pinsalang naidulot ng magkasunod na bagyong Lando at Nona sa mga bayan ng Gabaldon at Laur.

   Sa halos Php130-Million na pondo ng PDRRMC para sa taong 2017 na inilahad sa Annual Investment Plan ng Nueva Ecija, 70% o Php90.78-Million nito ay guggulin sa mga programa para sa kahandaan sa panahon ng kalamidad, rehabilitation and recovery , at pagbawas sa epekto ng baha.

   Php1.3-Million pambili ng lote ng relocation site habang binadyetan naman ng halagang Php4.5-Million ang gusaling ipatatayo para sa mga biktima ng kalamidad sa barangay Calabasa, Gabaldon.

   Pinondohan naman ng Php40-Million ang desilting and dredging o paghuhukay ng Amalungan Creek sa Sitio Bateria, barangay Bagting sa Gabaldon.

Ang mga heavy equipment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na nakabantay sa Sitio Bateria, Bagting, Gabaldon

Ang mga heavy equipment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na nakabantay sa Sitio Bateria, Bagting, Gabaldon

   Ayon kay Engineer Arthur Yap, simula noong Sabado, October 1, 2016 na nagkaroon na naman ng landslide sa highway galing sa Amalungan ay patuloy ang operation doon ng Provincial Engineering Office.

Habang hinuhukay ng loader ang kanal ng Amalungan Creek at iginigiya ang tubig patungong 18 barrel box culvert.

Habang hinuhukay ng loader ang kanal ng Amalungan Creek at iginigiya ang tubig patungong 18 barrel box culvert.

   Matatandaan na ito na ang ikalawang pagguho ng lupa sa kalsada sa naturang lugar ngayong taon. Sanhi ito ng pagbabaw ng kanal ng sapa na natabunan ng buhangin at tone-toneladang bato kaya kapag umuulan dumadaloy ang tubig patungong hi-way.

Tinatayang aabot sa Php400-M karagdagang budget ang kakailanganin para maisaayos ang mga daanan ng tubig sa iba’t ibang bayan na napinsala ng bayong Lando at Nona.

Tinatayang aabot sa Php400-M karagdagang budget ang kakailanganin para maisaayos ang mga daanan ng tubig sa iba’t ibang bayan na napinsala ng bayong Lando at Nona.

   Kagyat na solusyon ng Pamahalaang Panlalawigan dito ang paghuhukay sa sapa at paglalagay ng pansamantalang dike na humaharang sa tubig palihis sa kalsada papunta sa dating daanan nito kung saan may 18 barrel box culvert o imburnal na kabilang sa Laur-Gabaldon road project na ginawa ng kontratistang China Geo Engineering Corporation noong taong 2000 hanggang 2004.

   Kasama rin sa mga proyekto ng PDRRMC ang paglalagay ng gabion dike sa dalawang barangay ng Laur. Php30-Million para sa phase 2 sa barangay San Vicente, at Php10-Million sa phase 3 ng dike sa San Fernando.

   Mangagaling naman sa General Fund for 2017 ang desilting and dredging ng ilog sa barangay Bantug, Gabaldon. Dahil sa dami ng dapat ayusin hindi lamang sa Gabaldon kundi sa iba pang mga bayan, aabot sa Php400-Million ang kabuuang budget na kakailanganin para maisagawa ito.

   Hindi umano ito kakayanin ng pondo lamang ng probinsiya kaya patuloy na nakikipag-ugnayan si Governor Cherry Umali sa katulong si Former Governor Aurelio Umali sa NDRRMC at DPWH.- ulat ni  Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s