Lolo, binugbog at pinagtataga sa harap ng apo; Number 1 Drug Personality sa Quezon, patay sa tandem

Isang 55-anyos na lolo ang pinagtulungang bugbugin sa harap ng kanyang 1 taong apo hanggang sa mapatay sa Kalikid Sur, Cabanatuan City.

Isang 55-anyos na lolo ang pinagtulungang bugbugin sa harap ng kanyang 1 taong apo hanggang sa mapatay sa Kalikid Sur, Cabanatuan City.

   Binugbog at pinagtataga hanggang sa mapaslang ang isang lolo sa harap ng kanyang isang taong gulang na apo sa Purok 5, Magsaysay Subdivision, barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City.

   Kinilala ang biktimang si Juanito de Guzman Sr. y Aquino, 55-anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar.

   Base sa report ng Cabanatuan Police Station, 3:25 ng hapon sakay ng minamanehong tricycle ang biktima kasama ang kanyang apo ng harangin at pagtulungang patayin ng apat na hindi nakilalang suspek.

   Nagtamo ng maraming  taga at saksak sa ulo at katawan ang biktima at isang tama ng bala ng hindi pa natutukoy na baril sa tiyan.

   Quezon- patay ang nangunguna sa listahan ng mga sangkot sa illegal na droga sa bayang ito matapos pagbabarilin ng riding in tandem   sa Purok 5 barangay San Alejandro.

Pinagbabaril ng tandem si Felix Valerio habang nakikipagkwentuhan sa San Alejandro, Quezon

Pinagbabaril ng tandem si Felix Valerio habang nakikipagkwentuhan sa San Alejandro, Quezon

Kinilala ang biktimang si Felix Valerio y Hipolito alyas Alex, 51, may asawa, at naninirahan sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon Police Station, 4:00 ng hapon, habang nakaupo si Valerio sa kariton ng kalabaw at nakikipag-usap sa kanyang kabarangay na si Jay dela Cruz y Alvaro nang hintuan at paputukan ng mga suspek na parehong naka-helmet magkaangkas sa isang puting Suzuki Smash na walang plate number.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng kalibre .45 baril. – ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s