GSP-NE, ipinagdiwang ang Girl Scout Week 2016

   Nagpamalas ng angking talento sa pagsayaw ang Elementary at Highschool students ng Nueva Ecija sa pagdiriwang ng Girl Scout Week ngayong taon, na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City.

   Ito ay nilahukan ng dalawampu’t isang Pribado at Pampublikong Eskwelahan na nagmula sa iba’t-ibang bayan at siyudad ng lalawigan. Kabilang ang Cabiao, Rizal, Aliaga, Guimba-West, Lupao, Santa Rosa-North and South, Talavera-North and South, Bongabon, Palayan City, Gapan City, Gabaldon, Gen. Natividad, Roxy Lefforge Foundation Colleges, JRL, Muñoz National High School, Talavera National High School,Cpalayan city National High School, at ELJMHS.

   Hinati sa tatlong kategorya ang patimpalak, ang Song and Yell ng mga Star Scouts; Folk Dance ng mga Junior Scouts; At Cheer Dance ng mga Senior Scouts.

   Ang selebrasyon ay bahagi din ng pagdiriwang ng Ika-isang daan at labing walong taon na kaarawan ng kapanganakan ni Josefa Llanes Escoda ang nagtatag ng Girl Scout sa Pilipinas na tinatawag din bilang Florence Nightingale ng Pilipinas.

   Ayon kay Venus Ladignon Presidente ng Girl Scout of the Philippines-Nueva Ecija Council, ang naturang pagdiriwang ay pagkilala sa kabayanihan at kontribusyon ni Escoda sa pagpapaunlad ng mga kabataang pinoy.

   Dagdag pa ni Ladignon, ang mga kababaihan ay mayroong malaking kakayahan na mamuno at magsilbing magandang ehemplo sa bansa. -Ulat ni Danira Gabriel