Pinaka mahirap na barangay sa Cuyapo, biniyayaan ng regalo ng NEPCI

   Biniyayaan ng regalo ng Nueva Ecija Press Club Incorporated ang pinaka mahirap na barangay sa bayan ng Cuyapo bilang pasasalamat sa pagtangkilik ng mamamayan sa mga mamamahayag ng lalawigan.

   Sa pamamagitan ng gift giving ay namahagi ang NEPCI ng 200 packs na bigas, 50 school bags at 70 teddy bears sa barangay Bonifacio, na tinukoy umano ng Department of Education bilang pinaka mahirap na lugar sa bayan ng Cuyapo.

   Ang outreach program ay bahagi umano ng serye ng pagdiriwang ng ika-61 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Nueva Ecija Press Club.

   Ayon kay Grace Sansano, Presidente ng NEPCI, simula ng maging kasapi siya ng samahan ay isinulong na niya ang pagbibigay nila ng serbisyo sa mamamayan.

   Ang gift giving sa Bonifacio, Cuyapo ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-61 taong anibesrsaryo ng Nueva Ecija Press Club Inc.

Ang gift giving sa Bonifacio, Cuyapo ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-61 taong anibesrsaryo ng Nueva Ecija Press Club Inc.

   Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa tulong ng mga sponsors sa pangunguna ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Czarina Umali, Vice Mayor Anthony Umali ng Cabanatuan City, at SM Cabanatuan City Foundation.

   Laking pasasalamat naman ni G. Arnold Ong, ang Principal ng Bonifacio Elementary School dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napiling benepisyaryo ang kanilang mga estudyante at mga magulang ng mga ito .

   Sa kabuuan, nakapagbigay ng 225 gift packs ang NEPCI sa mga mag-aaral ng Bonifacio mula kindergarten hanggang Grade 6.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s