Transaksyon sa mga nais magnegosyo, mas pinadali sa Negosyo Center ng DTI

   Inilapit na sa mga maliliit na negosyante at mga nagnanais na magnegosyo ang mga serbisyo para sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga negosyo sa pamamagitan ng mga Negosyo Center ng Department of Trade and Industry na binuksan sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

   Sa ilalim ng Republic Act No. 10644 o “Go Negosyo Act” na naaprubahan noong taong 2014, isinusulong ang pagpapalakas sa mga “Micro, Small and Medium Enterprises” na magbibigay ng trabaho, produksyon at kalakaran sa bansa.

   Isa sa probisyon ng “Go Negosyo Act” ay ang pagpapatayo ng mga Negosyo Center sa lahat ng probinsya at siyudad sa buong bansa na makakatuwang ng maliliit na negosyante at mga nagnanais na magnegosyo upang umangat sa industriya ng pangangalakal.

Sina Provincial Director Brigida Pili ng Department of Trade and Industry-Nueva Ecija at Gapan City Mayor Emerson Pascual sa Ribbon cutting ng Negosyo Center.

Sina Provincial Director Brigida Pili ng Department of Trade and Industry-Nueva Ecija at Gapan City Mayor Emerson Pascual sa Ribbon cutting ng Negosyo Center.

   Ilan sa mga tulong na ibinibigay ng Negosyo Centers ay ang pag-aayos ng mga rehistro ng mga business establishments, pagbibigay ng mga Entrepreneurship seminars at trainings, tulungang mapadali ang pagkakaloob ng grant at iba pang pinansyal na tulong sa mga Micro, Small and Medium Enterprises, at iba pa.

   Kamakailan ay binuksan na ang ikatlong Negosyo Center na naipatayo sa Lalawigan at ika-dalawamput tatlo na sa buong Region III, na matatagpuan sa Munisipyo ng Lungsod ng Gapan.

Bukas na sa mga maliliit na negosyante at nais na magnegosyo ang Negosyo Center na matatagpuan sa Lungsod ng Gapan.

Bukas na sa mga maliliit na negosyante at nais na magnegosyo ang Negosyo Center na matatagpuan sa Lungsod ng Gapan.

   Ang unang Negosyo Center ay naitayo mismo sa loob ng Provincial Office ng DTI-Nueva Ecija, at ang isa pa ay sa Bayan ng Cabiao, at sa darating na Octubre ay magbubukas na rin ang Negosyo Center sa Lungsod ng San Jose.

   Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Emerson Pascual sa pagkakaroon ng Negosyo Center sa kanilang bayan na inaasahan nitong makatutulong upang mas lalo pang mapaunlad ang kalakalan sa kanilang lugar. –Ulat ni Jovelyn Astrero

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s