Buto ni Saint Benedict at walo pang Santo, inilagak sa Capella del Santo Sepolcro sa Bayan ng Nampicuan

   Doble ang naging selebrasyon ng mga Nampicueños, una dahil sa ikalawang taong pagkakalagak ng replica ng Holy Face of Jesus at pangalawa ay ang pagdating ng isa nanamang banal na replica ng Holy Cross, sa simbahan ng Immaculate Conception sa Bayan ng Nampicuan.

Ipinagdiwang ng mga Nampicueños noong September 16, 2016 ang ikalawang taong anibersaryo ng pagkakalagak ng Banal na Mukha ni Hesus sa Simbahan ng Bayan ng Nampicuan.

Ipinagdiwang ng mga Nampicueños noong September 16, 2016 ang ikalawang taong anibersaryo ng pagkakalagak ng Banal na Mukha ni Hesus sa Simbahan ng Bayan ng Nampicuan.

   Ayon kay Father Christian Magtalas, Kura Paroko ng nasabing simbahan, ang Holy Cross ay binubuo ng syam na buto ng mga Santo at Santa na sina Saint Benedict, Saint Agata, Saint Prospero, Saint Vitalis at lima pang hindi pa natutukoy.

   Kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang taong anibersaryo ng pagkakalagak ng Holy Face of Jesus ay inilagak na rin ang Holy Cross sa Capella del Santo Sepolcro.

   Nagmula sa pamilya Alzate ang holy cross na may mahigit tatlong daang taon na umano, na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon ng Alzate, at mula ng mailagak sa kanilang simbahan ang replica ng Holy Face of Jesus at nagsimula na ang pagdagsa ng mga mananampalataya ay napagpasyahan na ring ipagkatiwala ng pamilya ang holy cross sa naturang simbahan.

Kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang taon ng pagkakalagak ng replica ng Holy Face of Jesus, ay inilagak na rin ang holy cross o ang syam na buto ng mga Santo at Santa sa Capella del Santo Sepolcro ng Simbahang Immaculate Conception, sa Bayan ng Nampicuan.

   Ibinigay ng pamilya Alzate ang holy cross sa simbahan noong kalagitnaan ng nakaraang taon, at ngayon pa lamang ito nailagak sa Capella del Santo Sepolcro dahil hindi pa noon natatapos ang konstruksyon nito.

   Bago ang enthronement ng 9 bones of Saints ay pinasinayaan na muna ang Capella del Santo Sepolcro sa pangunguna ni Bishop Roberto Mallari, ng Diocese ng San Jose City.

   Ang Bayan ng Nampicuan ay binubuo ng dalawampu’t isang barangay, maliit, tahimik at payak ang pamumuhay ng mga mamamayan, na naging dahilan upang dito iluklok ang banal na mukha ni Hesus at pati na ng syam na buto ng mga Santo at Santa.

   Samantala, muling dumagsa ang libong mananampalataya sa ginanap na misa bilang bahagi ng selebrasyon ng pagdating ng dalawang banal na replica sa naturang bayan -Ulat ni Jovelyn Astrero