Paghahain ng Search Warrant, nauwi sa engkwentro; Bangkay ng lalaking hinihinalang “pusher”, natagpuan

   Nauwi sa engkwentro ang paghahain ng search warrant ng mga otoridad sa bahay ng isang 46-anyos na lalaki sa Cabanatuan City.

   Malubhang nasugatan sa naganap na insidente  ang suspek na si Ronaldo Lapina y Ramirez, may asawa, may-ari ng target na tahanan sa Captain Paulino St., Barangay Aduas Sur.

Binaril umano ni Ronaldo Lapina ang mga miyembro ng 3rd IB of PA at Cabanatuan PS nang maghain ang mga ito ng search warrant sa kanyang  bahay sa Aduas Sur, Cabanatuan City.

Binaril umano ni Ronaldo Lapina ang mga miyembro ng 3rd IB of PA at Cabanatuan PS nang maghain ang mga ito ng search warrant sa kanyang
bahay sa Aduas Sur, Cabanatuan City.

   Base sa report ng pulisya, 1:30 ng hapon, isisilbi na sana ng mga miyembro ng 3rd Infantry Battalion of Philippine Army at Cabanatuan Police Station kay Lapina  ang warrant na inisyu ni Executive Judge Ana Marie Viterbo ng RTC Cabanatuan nang bunutin nito at paputukin ang Cal. 38 na pistola, na ginantihan ng mga pulis.

   Natuklasan sa bahay ng suspek ang anim na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinagsususpetsahang shabu, drug paraphernalia, tatlong micro weighing scale, isang .38 revolver, isang Caliber .22 rifle, isang sumpak, at isang kahon ng bala ng Caliber .22.

   San Jose City- isa na namang bangkay ng isang lalaking hinihinalang pusher ng illegal na droga ang itinapon at natagpuan sa pampang ng ilog sa Zone 11, barangay Sibut

   Nakuha mula sa bangkay ng pinagsususpetsahang pusher ang isang sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride

Nakuha mula sa bangkay ng pinagsususpetsahang pusher ang isang sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride

   Inilagak sa Timario Funeral Service sa Bakal 3, Talavera ang biktimang nakasuot ng dark blue shorts, at light blue T-shirt nang matagpuan, kayumanggi ang kutis, maikli ang buhok, may taas na 5’4, at nasa edad kwarenta’y singko hanggang singkwenta.

   Ayon kay Police Inspector Joselito Marquez, 10:40 ng gabi habang nagsasagawa ang kanyang grupo ng checkpoint sa Maharlika Highway, barangay San Rafael Rueda Sr. nang makita nila ang patay na lalaki.

   May marka na sinakal sa leeg ang biktima at may nakasabit na karton kung saan nakasulat ang mga katagang “HUWAG NYO AKONG TULARAN PUSHER” SPP.

   Narekober ng SOCO sa shorts nito ang isang kaha ng Marlboro Lights na may lamang dalawang maliit na selyadong transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride.- ulat ni Clariza de Guzman.