Gymnasium sa Barangay Cabu, Cabanatuan City, pinasinayaan; 61 na bata, libreng pinabinyagan

   Pinangunahan ni Former Governor Aurelio Matias Umali ang pagpapasinaya ng Gymnasium sa Barangay Cabu, Lungsod ng Cabanatuan, na naipagawa sa panahon ng kanyang termino.

   Nangako ang dating Gobernador na magpapatuloy ang kanyang pagtulong sa mga Novo Ecijano kahit natapos na ang kanyang termino, hiling lamang nito na sana ay bigyang pagpapahalaga ang mga proyektong kanyang naibahagi para sa mga mamamayan ng Lalawigan.

Kapitana Emely Grey ng Brgy. Cabu, Cabanatuan City at Former Governor Aurelio Matias Umali sa ribbon cutting ng Blessing and Inauguration of Gymnasium sa naturang barangay.

Kapitana Emely Grey ng Brgy. Cabu, Cabanatuan City at Former Governor Aurelio Matias Umali sa ribbon cutting ng Blessing and Inauguration of Gymnasium sa naturang barangay.

   Naroon din upang magbigay ng suporta ang nakababatang kapatid ng dating Gobernador na si Cabanatuan City Vice Mayor Doc. Anthony Umali.

   Kasabay ng pagpapasinaya, ay ang gymnasium na ito na rin ang ginawang venue matapos na mabinyagan ang anim naput isang bata sa naturang lugar, sa ilalim ng programang Binyagang Barangay ni Kapitana Emely Mercado Grey.

   Kung dati ay sa simbahan umano kadalasang ipinagdiriwang ang piyesta ng patron sa kanilang barangay, ngayon ay mayroon na silang gymnasium na magagamit, umulan man o umaraw.

   Ayon kay Kapitana Emely, aabot sa walong bata kada pamilya ang hindi pa nabibinyagan sa kanilang barangay, kaya bilang tulong sa kanyang mga nasasakupan ay naghandog ito ng libreng pabinyag.

Nagagamit na sa kasalukuyan ang Gymnasium sa Brgy. Cabu na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan sa panahon ng termino ni Former Governor Oyie Umali.

Nagagamit na sa kasalukuyan ang Gymnasium sa Brgy. Cabu na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan sa panahon ng termino ni Former Governor Oyie Umali.

   Lubos din ang naging pasasalamat ng mga residente ng Brgy. Cabu kay Former Governor Oyie dahil sa gym na naipatayo sa kanilang lugar.

   Samantala, sa kanyang mensahe naman ay emosyunal na humarap sa kanyang mga kabarangay si Kapitana Emely, kung saan nilinaw nito ang iba’t-ibang isyu na ibinabato laban sa kanya.

   Kaakibat nito, ay binigyang pagkilala ni Kapitana ang mga tulong ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kanilang barangay. -Ulat ni Jovelyn Astrero

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s