GOV CHERRY, ISUSULONG NA MAGING AGRI-INDUSTRIAL PROVINCE ANG NUEVA ECIJA

   Inihayag ni Governor Czarina Umali sa ginanap na Agricultural Summit ang pangarap ng Pamahalaang Panlalawigan na maging isang Agri-Industrial Province ang Nueva Ecija.

   Ayon kay Governor Cherry, ang pagdiriwang ng ika-isandaan at dalawampong taong anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija ay iniaalay sa mga magsasaka na kinikilala niya bilang mga tunay na bayani.

   Sa nakalipas na walong taon, simula ng manungkulan ang kabiyak ng Punong Panlalawigan na si Former Governor Aurelio Umali ay palagi nang nangunguna ang lalawigan sa pinakamaraming aning palay sa buong Pilipinas.

   Ito ay sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura pangunahin na ang kakulangan sa patubig tuwing panahon ng tag-araw sa mga lugar na umaasa lamang sa irigasyon, at pagkasira naman ng mga pananim kapag may bagyo at kalamidad.

   Seventy percent ng populasyon sa Nueva Ecija na tinaguriang “Rice Granary of the Philippines” and “Onion Basket of Asia” ay nabubuhay sa pagsasaka.

   Kaya naman ang hangarin ng ina ng lalawigan ay matulungang mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga magsasakang Novo Ecijano sa pamamagitan ng pagsusulong ng modernong agrikultura sa suporta ng mga ahensiya ng gobyerno, at pribadong sektor.

   Inaasahan na sa ilalim ng panunungkulan ni Governor Umali ay magpapatuloy ang pamamahagi ng mga binhi, puhunan, at kagamitan para sa mga magsasaka, pagdaragdag ng postharvest facilities, promosyon ng mga lokal na produkto at pagtatalaga ng special agricultural economic zone. -Ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s