PHP1.8-M NA HALAGA NG MGA BAHAGI NG SOLAR LAMPS, NINAKAW

   Umaabot sa mahigit Php 1.8 million na halaga ng mga bahagi ng solar lamps na pag-aari ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija ang ninakaw ng limang kabataang menor de edad sa kahabaan ng Maharlika hi-way sa mga bayan ng San Leonardo, at Sta. Rosa.

   Ang mga solar lamps na nagpapapaliwanag tuwing gabi sa Maharlika Hi-way mula Castellano, San Leonardo hanggang CLSU, Science City of Muñoz.

Ang mga solar lamps na nagpapapaliwanag tuwing gabi sa Maharlika Hi-way mula Castellano, San Leonardo hanggang CLSU, Science City of Muñoz.

   Sinampahan na ng kasong theft at sumailalim sa Inquest Proceedings ang mga salarin na nahuli sa akto na itatago po natin sa mga pangalang Johnny, disiete-anyos; Jerry, disisais, Jerold, disisais; Mel, at isang alyas Bato lahat residente ng barangay Castellano, San Leonardo.

   Habang ang isa pang kasamahan ng lima na si MJ, na trese anyos pa lamang ay dinala sa Municipal Social Welfare and Development Office.

   Base sa imbentaryo ni Engineer Crispin Juan ng Provincial General Services Office, nawawala ang 41 pieces ng solar batteries and controller na nagkakahalaga ng Php762,600.00, Php18,600 ang presyo bawat isa; 38 piraso ng solar batteries and controller worth Php706,800; 13 pieces ng solar panel na nagkakahalaga ng Php325,000.00, Php25,000.00 each ang presyo; isa pang solar panel; at isang solar post worth Php15,000.00 na may summa total na Php1,834,400.00

   Inihahanda naman ang kasong Anti-Fencing Law (PD 1612) laban kay Reynaldo Figuerroa y Hernandez alyas Tatang Rene na natuklasang bumili ng mga bateryang inumit ng mga naturang kabataan.  -Ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s