10 natatanging kabataang Novo Ecijano, pinarangalan sa TOYNE 2016

Kasabay ng pagdiriwang ng Ika-120 taon ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija ay pinarangalan ang 10 natatanging kabataang Novo Ecijano sa Ika-apat na taon ng The Outstanding Young Novo Ecijano (TOYNE) 2016.

Isa-isang binigyang pagkilala ng Provincial Youth Development Council (PYDC) ang 10 natatanging kabataang Novo Ecijano na nagpamalas ng angking galing at talino sa kanilang mga piniling larangan.

Ang parangal ay hinati sa dalawang kategorya ang Young Professional Category at Student Category. Sa bawat kategorya ay namili ng tig-limang kabataan na namumukod tangi sa lahat.

Gov. Cherry Umali; Billy Jay Guansing, Chairman of PYDC; Ricky Velasco, Chief of Staff; and the 5 TOYNE awardees (Young Professional Category)

Gov. Cherry Umali; Billy Jay Guansing, Chairman of PYDC; Ricky Velasco, Chief of Staff; and the 5 TOYNE awardees (Young Professional Category)

Kabilang sa 5 nanalo sa Young Professional Category ay sina Jeffrey Bautista, Jeffrey Benitez, Calvin Gutierrez, Ronaldo Larioque at John Christian Tadique.

Gov. Cherry Umali; Billy Jay Guansing, Chairman of PYDC; Ricky Velasco, Chief of Staff; and the 5 TOYNE awardees (Student Category)

Gov. Cherry Umali; Billy Jay Guansing, Chairman of PYDC; Ricky Velasco, Chief of Staff; and the 5 TOYNE awardees (Student Category)

Habang ang 5 nangingibabaw sa Student Category ay sina Pablito Apolinar Jr. Ng Araullo University (AU), Dolly May Bataycan ng Central Luzon State University (CLSU), Nicole Pascua ng Araullo University (AU), Albert Chrisvougn Rayo ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) at Emmanuel Del Castillo ng Central Luzon State University (CLSU).

Gov. Cherry Umali; Billy Jay Guansing, Chairman of PYDC; Ricky Velasco, Chief of Staff; and the 12 out of 14 TOYNE finalists (Young Professional and Student Category)

Gov. Cherry Umali; Billy Jay Guansing, Chairman of PYDC; Ricky Velasco, Chief of Staff; and the 12 out of 14 TOYNE finalists (Young Professional and Student Category)

Ang TOYNE ay programa ng Pamahalaang Panlalawigan na sinimulan noong taong 2013 sa ilalim ng pamumuno ni Former Gov. Aurelio “Oyie” Umali na ipinagpapatuloy sa kasalukuyang administrasyon ni Gov. Czarina “Cherry” Umali. Layunin ng programa na magbigay ng karangalan sa mga natatanging kabataan na nagsisilbing huwaran sa komunidad, lalawigan at bansa.

Sa pahayag ni Gov. Cherry Umali, binati niya ang mga kabataan na pinarangalan. Ngunit, mas mataas umano ang pagpupugay sa mga magulang na sumuporta, nagtaguyod at nagpalaki sa kanila.

Samantala, dahil sa tagumpay ng sunod-sunod na taon ng TOYNE ay sinisimulan ng buoin ng PYDC ang grupong The Outstanding Young Novo Ecijano Alumni Association.

Ang Ikalimang taon ng TOYNE ay sisimulan sa susunod na taon, kasabay ng pagdiriwang ng Ika-121 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s