Bagong Chairman at members ng ELJMC ManCom, hinirang ni Gov. Cherry

   Hinirang ni Governor Czarina Umali ang bagong Chairman at miyembro ng Management Committee ng ELJ Memorial College sa ginanap na pagpupulong ng Board of Trustees sa Sierra Madre Suites, Palayan City.

   Sa bisa ng Resolution Number 48 series of 2007 ng Sangguniang Panlalawigan na nagbibigay ng kapangyarihan kay Governor Cherry Umali bilang Chairman ng BOT ng ELJMC, inappoint nitong bagong Chairman ng Management Committee si Engineer Dennis Agtay, OIC ng Provincial Planning and Development Office.

   Hinirang ni Gov. Cherry Umali bilang Chairman ng ELMC ManCom si Engr. Dennis Agtay na dating Director ng ACSAT, Cabanatuan City.

Hinirang ni Gov. Cherry Umali bilang Chairman ng ELMC ManCom si Engr. Dennis Agtay na
dating Director ng ACSAT, Cabanatuan City.

   Bumaba naman sa pwesto bilang Chairman at nahirang na miyembro ng ManCom si Provincial Accountant Cristina Roxas, kasama si Provincial Budget Officer Randolf Alingig, at Atty. Val Alberto na representative ng private sector.

   Bago inilipat kay Engineer Agtay ang posisyon ay nag-ulat muna kay Governor Cherry si Ms. “Chinkee” Roxas, tungkol sa operations ng ELJMC para sa 2nd semester school year 2015-2016 kung saan sinabi nito na may 1, 179 enrollees para sa mga kursong Bachelor of Science in Elementary Education, Bachelor Science in Secondary Education, Bachelor of Science in Business Administration, and Bachelor of Science in Accountancy at 300 sa mga estudyanteng ito ay tumutuloy sa dormitory ng eskwelahan.

   Pinasalamatan ni Gov. Cherry si Prov’l Accountant Cristina Roxas sa matiyaga nitong paglilingkod bilang Chairman ng ELJMC ManCom.

Pinasalamatan ni Gov. Cherry si Prov’l Accountant Cristina Roxas sa matiyaga nitong paglilingkod
bilang Chairman ng ELJMC ManCom.

   Sa nasabing pagpupulong, iniatas ni Governor Umali sa Provincial General Services Office na ayusin ang problema sa supply sa tubig sa dorm, pagsasama sa 2017 budget ng pagkumpuni sa mga sirang bahagi ng gusali ng dorm at eskwelahan, at paglalagay ng solar lamps sa compound nito. –ulat ni Clariza de Guzman