32-anyos na babaeng Intel, sabog ang ulo sa tandem; Bangkay ng kelot, natagpuan; At matandang binata, pinatay sa sariling bahay

   Sabog ang ulo ng isang 32-anyos na miyembro ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Sta. Rosa- Dingalan Road sa barangay Liwayway, Sta. Rosa.

   Kinilala ang biktimang si Carmelita Pine y Malagenio, may asawa, at tubong barangay Metolza, Naujan, Mindoro Oriental.

Aktibong miyembro umano ng ISAFP si Carmelita Pine na pinuntirya sa ulo ng tandem sa brgy. Liwayway, Sta. Rosa.

Aktibong miyembro umano ng ISAFP si Carmelita Pine na pinuntirya sa ulo ng tandem sa brgy. Liwayway, Sta. Rosa.

   Ayon sa salaysay ng saksi, 8:30 ng gabi nang makita niya ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki angkas ang isang babae na pumunta at huminto sa madilim na bahagi ng Purok kwatro ng naturang barangay pagkatapos ay nakarinig umano siya ng tatlong magkakasunod na putok ng baril kasunod ang pagharurot ng papalayong motor.

   Nang usyusin nito kung ano ang nangyari ay natuklasan ang duguang biktima na nakahandusay sa kalsada at wala ng buhay.

   Talavera- isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng irigasyon sa Purok 5, barangay Bakal 2.

May tama ng bala sa ulo ang bangkay ng lalaking natagpuan sa gilid ng irigasyon sa brgy. Bakal 2, Talavera.

May tama ng bala sa ulo ang bangkay ng lalaking natagpuan sa gilid ng irigasyon sa brgy. Bakal 2, Talavera.

   Base sa report ng Talavera Police Station, 9:30 ng gabi namimingwit ng isda sina Bernardo Sario y Agliam, at Alexander Casisiempre, parehong magsasaka, at kapwa naninirahan sa naturang lugar nang madiskubre nila ang katawan ng biktima na nakagapos ang mga kamay.

   Napag-alaman na may mga tama ng bala ng hindi pa natutukoy na baril sa ulo ang biktima na inilagak sa Timario Funeral Parlor, barangay Bakal 3, Talavera.

   Samantala, patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa bakuran ng kanyang sariling bahay sa Purok 5, barangay Homestead two, Talavera.

   Kinilala ang biktimang si Michael San pedro y Damacio, 41, binata, at residente ng naturang lugar.

Pinatay sa loob mismo ng sariling bakuran si Michael San Pedro sa brgy. Brgy. Homestead II, Talavera.

Pinatay sa loob mismo ng sariling bakuran si Michael San Pedro sa brgy. Brgy. Homestead II, Talavera.

   Batay sa imbestigasyon ng pulisya, 9:00 ng gabi nang mamataang kausap ng biktima ang suspek na nasa labas ng bakuran ng tahanan nito.

   Pagtalikod umano ng biktima papapunta sa bahay nito ay bigla na lamang itong pinaputukan ng maraming beses ng suspek at mabilis na tumalilis lulan ng isang motorsiklo.

   Narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo at dalawang deformed slug ng kalibre .45 baril.- ulat ni Clariza de Guzman