DTI-NE, tinalakay ang mga gampanin sa nakalipas na anim na buwan

   Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) Nueva Ecija sa “Kapihan with Media” ang naging gampanin ng opisina sa nakaraang unang anim na buwan ngayong taon.

   Sa datos ng ahensiya mula buwan ng Enero hanggang a-15 ng Agosto ngayong taon, ay nakapaglunsad ang dti ng tatlong Shared Service Facility (SSF) Project. Kabilang na ang natural herbal supplements making ng Kababaihang  Masigla ng Nueva Ecija (KMNE) sa bayan ng Quezon, Food micro testing laboratory ng Central Luzon State University(CLSU) at Dairy Processing  sa Catalanacan MPC sa Science City of Muñoz.

   Ayon kay DTI Provincial Director Brigada Pili, bukod pa ito sa dalawang SSF Project na in-upgrade nitong taon, ang Waterlily Handicrafts Making ng MNK gabay sa pangkabuhayan sa General Natividad at Infants Accessories production ng Dynamix Business Resource Center Service Cooperative sa bayan ng Aliaga.

   Umabot na sa tatlumput lima ang nabuksan na SSF Project sa probinsiya, mula noong magsimula ito noong taong 2013. Habang dalawang proyekto pa ang nakalinyang ilulunsad sa August 31, 2016, ang Soya Processing ng Golden Beans and grains MPC sa Cabanatuan City at Dairy Processing sa bagong pag-asa ng magsasaka MPC sa bayan ng Cabiao.

   Ibinida din ni pili ang magandang resulta ng Diskwento Caravan na idinaos sa bayan ng Carranglan. Kung saan, pumalo sa halos P800,000 ang naibentang lokal na produkto sa loob lamang ng dalawang araw. Dahil sa tagumpay na ito ay nakatakda muli na magkaroon ng Diskwento Caravan sa naturang bayan sa Sept. 9-10.

   Umaabot naman sa 301 na establisiyemento sa lalawigan ang regular na minomonitor ng ahensiya ukol sa pagsunod sa Price Act o pagtalima sa mga itinakdang presyo ng bawat produkto upang maproteksiyunan ang mga mamimili sa pamamagitan ng pagmmimintina sa halaga ng mga pangunahing bilihin.

   Habang pumalo na sa 5,066 ang kanilang natulungan sa pagsasaayos at pag re-renew ng business name, na tumatagal lamang ng 6.9 minutes. Bukod sa tanggapan ng ahensiya, mayroon pang anim na Philippine Business Registry(PBR) sa mga Local Government Unit(LGU’s) sa lalawigan na maaring puntahan ang Gen. Tinio, Gen. Natividad, Talavera, San Jose City, Guimba at Science City of Muñoz.

   Binanggit din ni Pili, na bukod sa mga nabanggit na tanggapan ay maari na ring magpa-rehistro ng business name online. -Ulat ni Danira Gabriel