Konsehal Gave Calling ng Cabanatuan City, nagpa-drug test na rin

   Personal na ring nagtungo sa Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory Office o NEPCLO si Konsehal Gave Calling ng Lungsod ng Cabanatuan upang magpa-eksamina ng kanyang urine specimen bunsod ng panghihikayat ni Cabanatuan City Vice Mayor Doc. Anthony Umali na nauna ng sumailalim sa Urine Drug Testing noong nakaraang linggo.

   Ayon kay Konsehal Calling, ginawa ng Bise-Alkalde ang panghihikayat sa buong Sangguniang Panglungsod na magpa-drug test noong nakaraang martes bago matapos ang kanilang regular session.

   Kinabukasan nito, araw ng miyerkules ng magpasya si Konsehal Calling na sumadya na rin sa NEPCLO upang magpa-drug test.

   Dagdag ni Calling na nararapat lamang maipabatid sa taong bayan na ang kanilang mga inihalal na opisyal ay malinis at walang bahid ng dungis pagdating sa iligal na droga.

   Naniniwala din ang Konsehal na sakali mang may magpositibong opisyal ng Pamahalaang Panglunsod ay maaaring mabigyan ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. -Ulat ni Jovelyn Astrero

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s