Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, maagap na umaksyon sa landslide sa Gabaldon

   Kaagad na nagsagawa ng clearing operations ang PDRRMC, at Provincial Engineering Office katuwang ang DPWH sa atas ni Governor Czarina Umali sa Sitio Bateria sa barangay Bagting, Gabaldon matapos na mai-stranded ang mga motorista papuntang bayan ng Gabaldon dahil sa nabarahang kalsada dulot ng flashflood sanhi ng mahigit kumulang dalawang linggong pag-uulan.

   Magdamag na nilinis noong Sabado, August 20, 2016 hanggang kinabukasan ng mga tauhan ng Engineering Office ng kapitolyo ang kalsada sa Sitio Bateria, sa bayan ng Gabaldon na natabunan ng banlik, buhangin, at mga bato dahil sa pagguho ng bundok dulot ng pagragasa ng tubig-baha mula sa Amungan Creek.

   Ayon kay Bencel Parumog, Hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, alas syete ng gabi nang dumating ang pitong dump trucks, back hoe, bulldozer, at grader ng Pamahalaang Panlalawigan kasama rin ang Rescue Team na tumulong upang makatawid ang mga tao.

   Dahil sa landslide na sanhi ng flashflood, halos limang oras na na-stranded ang mahigit kumulang isandaang motoristang bumiyahe papuntang  Gabaldon at Cabanatuan City.

   Sa lakas ng ulang bumuhos, umapaw ang tubig sa Bitunin Creek sa barangay Calabasa, Gabaldon, umahon ito sa kalsada at pumasok sa mga kabahayang katabi nito. Habang napigtas naman ang bahagi ng kalsada sa San Vicente, Laur na inayos din ng mga tauhan ng PEO kahit hatinggabi.

   Kinabukasan, August 21, 2016 bumisita sa bayan ng Gabaldon at Laur si Governor Cherry upang personal na makita ang pinsala ng pagragasa ng tubig at dinalaw ang mga naapektuhang mamamayan. Kasama ang mga pinuno ng Provincial Planning Development Office, Provincial Engineering Office, Public Affairs and Monitoring Office, at Provincial Social Welfare and Development Office, nakipag-usap ang ina ng lalawigan sa mga opisyal ng barangay upang masolusyunan ang problema sa pagbaha at pagguho ng kadundukan.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s