BINIBINING ZARAGOZA, NAIUWI ANG BEST IN CASUAL SA BINIBINING NUEVA ECIJA 2016

24 na kandidata ang sumabak sa kauna-unahang preliminary casual competition noong August 13, araw ng Sabado, na ginanap sa PAGASA Gym, Science City of Muñoz.

24 na kandidata ang sumabak sa kauna-unahang preliminary casual competition noong August 13, araw ng Sabado, na ginanap sa PAGASA Gym, Science City of Muñoz.

   24 na kandidata ang nagpaligsahan sa pagrampa noong Sabado (August 13) sa PAGASA Gym, Science City of Muñoz suot ang kanilang casual na dinisenyo ni Erjohn dela Serna, Owner ng Dishenyo sa Cabanatuan City at ang mismong pinaglabanan ng mga binibini sa casual wear na nilikha ni Gem Carlos, isang fashion designer sa Gapan City.

   Apat na taon nang nagtitiwala ang Provincial Government of Nueva Ecija kay Carlos sa kanyang kakayahan na gumawa ng ibat ibang disenyo na isusuot ng mga kandidata sa nasabing pageant.

   Ngayong taon, lahat ng kanyang ginawa na casual wear ay ibabahagi na sa mga kandidata.

   Kanya-kanya namang cheer ang mga supporters ng mga kandidata na dinayo pa ang Science City of Muñoz.

Nasungkit ni pauleen Blaquera ng bayan ng Zaragoza ang Best in Casual kasama sina Chairwoman ng Bb. Nueva Ecija 2016 na si Engr. Mercedes Padolina, Vice Mayor Tekila Grace V. Alvarez at mga naging hurado sa Casual Competition.

   Sa mga binibini, lumutang ang ganda ni Candidate Number 8, Pauleen Blaquera na siyang nag-uwi ng Best in Casual Wear.

   Kuntento naman sa naging resulta si Engr. Mercedes Padolina, Chairman ng Bb. Nueva Ecija 2016 dahil ayon sa kanya, iisa ang naging pasya ng mga hurado sa kanilang napiling ipanalo.

   Malaki naman ang pasasalamat ni Vice Mayor Tekila Grace Alvarez ng Science City of Muñoz, dahil isa ang kanilang lungsod sa napiling pagdausan ng pre-pageant ng Bb. Nueva Ecija 2016. – Ulat ni Shane Tolentino

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s