Alyas Lupin, patay; 1 pa, sugatan sa pamamaril; Eskwelahan, nilooban; Number 7 drug personality sa Quezon, todas sa tandem

Nalaglag sa sinasakyang tricycle si Norbert dela Cruz @ Lupin, Number 7 sa drug personality sa bayan ng Quezon nang pagbabarilin ng tandem.

   Patay ang isang lalaking binansagang “Lupin” habang sugatan naman ang kasama nitong babae sa naganap na pamamaril sa barangay Sapang, bayan ng Jaen.

   Napag-alamang Number 10 sa listahan ng drug watch list ang biktimang si Norbert dela Cruz alyas Lupin, bente otso anyos, binata, residente ng barangay Niyugan ng naturang bayan, inakusahan din itong sangkot sa tangkang pagpatay, at mga serye ng nakawan at carnapping sa Jaen.

   Samantalang si Dahlea Gonzales y Santos, 32-anyos, dalaga, at naninirahan sa nasabing lugar, ay sumuko umano at umaming gumagamit at nagbebenta ng illegal na droga sa kanilang barangay.

   Base sa report ng Jaen Police Station, 11:20 ng umaga, habang nakasakay sa tricycle ang dalawa ay bigla na lamang pinaputukan ng riding in tandem si alyas Lupin hanggang sa mamatay.

   Tinamaan naman sa ulo si Gonzales na sinasabing nadamay lang sa pamamaril na kaagad na isinugod ng tricycle driver sa San Mariano District Hospital at inilipat sa PJGMRMC.

   San Jose City- nilooban ng mga hindi nakilalang suspek ang Principal’s Office ng Sto. Tomas Elementary School.

   Ang loob ng Principal’s Office ng Sto. Tomas Elementary School na pinasok ng mga magnanakaw.

Ang loob ng Principal’s Office ng Sto. Tomas Elementary School na pinasok ng mga magnanakaw.

   Ayon sa salyasay ni Rodrigo Suba y Bantag, 48, utility worker ng naturang eskwelahan, dakong alas sais trenta ng umaga nang madiskubre nyang putol ang padlock holder ng pintuan ng opisina ng principal.

   Nang buksan niya ang pinto, tumambad ang mga kagamitan sa loob na mga nakakalat at sira-sira. Matapos ipaalam ang kanyang nakita sa Principal na si Ma’am Estrelita Ortiz ay kaagad silang nagsagawa ng imbentaryo at natuklasang nawawala ang isang ACER laptop, isang EPSON Projector, isang HP CPU, isang drill bit, at isang laminator.

Habang nakaupo sa kanyang tricy cle, pinagbabaril ng tandem si Abdon Ramiscal Jr. Number 7 sa priority target ng mga drug personalities sa bayan ng Quezon.

Habang nakaupo sa kanyang tricy cle, pinagbabaril ng tandem si Abdon Ramiscal Jr. Number 7 sa priority target ng mga drug personalities sa bayan ng Quezon.

   Quezon- todas sa tandem ang Number 7 sa listahan ng priority target na mga drug personalities ng Quezon Police Station.

   Kinilala ang biktimang si Abdon Ramiscal Jr. y Bayangos, 37-anyos, may asawa, residente ng Bertese, Quezon, sinasabing Number 1 naman sa listahan ng Barangay Drug Abuse Council.

   Batay sa imbestigasyon ng pulisya, 5:00 ng hapon nakaupo sa kanyang tricycle ang biktima na nakaparada malapit sa Holy Family Academy School sa barangay 2 nang barilin ng dalawang beses ng mga suspek na parehong nakasuot ng helmet at magkaangkas sa isang kulay itim na Bajaj CT 100 motorcycle na walang plate number.

   Mabilis na tumakas ang mga suspek patungong bayan ng Guimba habang itinakbo naman sa pinaka malapit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot na buhay.

   Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang deformed slug ng kalibre .45 baril.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s