Mahigit 1,100 na drug personalities, sumuko sa Talavera; Region 3 Director Aaron Aquino, nagbabala sa mga hindi pa sumusuko

   Ito ang direktang tanong ni Region 3 Police Director Chief Supt. Aaron Aquino sa 1,122 tulak at adik na sumuko sa Oplan Tokhang ng bayan ng Talavera.

   Sa pahayag ni Aquino, kaliwa’t-kanan na ang mga sumusuko sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Pero, marami pa rin umano ang mga matitigas ang ulo at handang makipagpatayan sa mga kapulisan.

   Sa kabuuang bilang na 1,122 surenderees na nanumpa kay Mayor Nerivi Santos-Martinez, 38 rito ay pusher at 1,085 ang user.

   Nanguna sa listahan ng Nueva Ecija Provincial Police Office o NEPPO ang mga jobless o walang trabaho sa karaniwang gumagamit o nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot. Habang pumangalawa ang mga magsasaka na sinundan ng mga driver.

   Ayon kay Mayor Martinez, hindi aniya natatapos sa panunumpa at pagpirma sa papel ang pagsuko ng mga surenderees dahil ang Pamahalaang Bayan ay marami pang binabalangkas na programa upang matulungan ang mga drug personalities.

(L-R) (PSUPT Leandro Novilla, Vice Mayor JunJun Rodiel, Mayor Nerivi Santos-Martinez and Regional Director PCSupt Aaron Aquino.) Mayor Nerivi Santos-Martinez, habang inaabot ang plaque ng pagkilala at pasasalamat kay Regional Director PCSupt Aaron Aquino na nagsilbing Guest Speaker sa Mass Oathtaking ng Project Tokhang Surenderees.

(L-R) (PSUPT Leandro Novilla, Vice Mayor JunJun Rodiel, Mayor Nerivi Santos-Martinez and Regional Director PCSupt Aaron Aquino.)
Mayor Nerivi Santos-Martinez, habang inaabot ang plaque ng pagkilala at pasasalamat kay Regional Director PCSupt Aaron Aquino na nagsilbing Guest Speaker sa Mass Oathtaking ng Project Tokhang Surenderees.

   Pinuri naman ni Aquino si Mayor Martinez, sa programang binubuo nito para sa mga surenderees. Sabay pasaring sa mga local executives na hindi sumusuporta sa kanilang mahigpit na kampanya kontra iligal na droga.

   Dagdag pa ni Aquino, hindi umano niya papayagan na marami pang kapulisan ang masugatan at mamatay dahil sa pakikipag-engkwentro sa mga drug user at pusher sa gitna ng mga operasyon ng pulisya. -Ulat ni Danira Gabriel