Bahay ng magkarelasyon, pinasok ng magnanakaw;1 patay; Bangkay ng tricycle driver, natagpuan; 34-anyos na negosyante binoga sa ulo, tumba

   Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng diumano’y magkarelasyong negosyante at isang balo sa barangay Calaba, bayan ng San Isidro.

   Napatay ng isa sa mga suspek ang biktimang si Fernando Manalo y Ortiz, 57-anyos, samantala hindi naman sinaktan ang karelasyon nitong si Josephine Manalo y Velasco, 52-anyos, kapwa naninirahan sa nasabing lugar.

   Base sa imbestigasyon ng San Isidro Police Station, 7:40 ng gabi dumating si Manalo sa kanilang tahanan galing sa Talavera para bumili ng gulong, pagbaba nito ng Isuzu Elf truck ay pinagpupukpok ito sa ulo ng matigas na bagay na kanyang ikinamatay, ng isa sa mga dalawang suspek na inilarawang nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas, payat, nasa edad 38 hanggang 40, nakasuot ng black and red round neck T-shirt, short pants, at tsinelas.

Pagbaba ng truck ay pinukpok ng isa sa dalawang magnanakaw si Fernando Manalo hanggang sa mapatay sa kanyang tirahan sa brgy. Calaba, San Isidro.

Pagbaba ng truck ay pinukpok ng isa sa dalawang magnanakaw si Fernando Manalo hanggang sa mapatay sa kanyang tirahan sa brgy. Calaba, San Isidro.

   Habang ang isa pang suspek na nasa 4’9 hanggang 5’1 ang taas, payat, naglalaro sa trenta’y singko hanggang kwarenta ang edad, nakasuot ng itim na T-shirt, short pants, naka-cap, at may triangle na tattoo sa kaliwang braso ay mabilis na pinuntahan sa loob ng bahay si Josephine at itinali ang mga kamay at paa gamit ang isang electric fan cord.

   Pagkatapos ay tinangay ng mga salarin ang mahigit kumulang sampong libong pisong pera, assorted na alahas, at mga personal na gamit ng mga biktima na nagkakahalaga ng isandaang libong piso.

   Cabanatuan City- pinaniniwalaang nasawi sa natural na dahilan ang isang tricycle driver na natagpuang isa ng malamig na bangkay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Parumog St. barangay Sangitan East.

Natagpuang nakabulagta sa kaniyang kama sa kwarto at isa ng malamig na bangkay si Edgar Rasonable sa Parumog St., Cabanatuan City.

Natagpuang nakabulagta sa kaniyang kama sa kwarto at isa ng malamig na bangkay si Edgar Rasonable sa Parumog St., Cabanatuan City.

   Kinilala ang biktimang si Edgar Rasonable y Pigte, 42-anyos, at may asawa.

   Ayon sa kapit-bahay ng biktima na si Efren Agaran, 4:40 ng hapon nang makalanghap siya ng masangsang na amoy na nanggagaling sa tahanan ng biktima.

   Nang siyasatin ang bahay ng biktima, natuklasang nakahiga ito sa kanyang kama at wala ng buhay.

   Sta. Rosa- patay ang isang negosyante matapos itong barilin sa ulo sa RMJ Junkshop na kanyang pag-aari sa gilid ng hi-way ng barangay Gomez.

   Habang nanonood ng TV si Raymond Jose sa loob ng kubo sa tapat ng pag-aaring junkshop sa brgy. Gomez, Sta. Rosa ay binaril ito sa ulo ng back rider sa tandem na magkaangkas sa motor.

Habang nanonood ng TV si Raymond Jose sa loob ng kubo sa tapat ng pag-aaring junkshop sa Brgy. Gomez, Sta. Rosa ay binaril ito sa ulo ng back rider sa tandem na magkaangkas sa motor.

   Hindi na umabot ng buhay sa Nueva Ecija Doctor’s Hospital sa Cabanatuan ang biktimang si Raymond Jose y Mariano, may asawa, at residente ng naturang lugar.

   Batay sa report ng pulisya, 12:00 ng tanghali habang nanonood ng TV ang biktima sa loob ng kubo sa harap ng junkshop nang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang kulay dilaw at itim na Yamaha Mio motorcycle na walang plaka.

   Inilarawan na parehong nakasuot ng maong na shorts ang mga suspek, at nakatakip ang mga mukha ng damit na mga mata lang ang nakikita. Nilapitan umano ng back rider ang biktima buhat sa likod at bigla na lamang pinaputukan gamit ang isang kwarenta’y singkong baril pagkatapos ay mabilis na tumakas patungong bayan ng San Leonardo.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s