Photo-Art Exhibit ng political detainees, ibinukas sa Wesleyan University-Phils.

   Kaakibat ng panawagan ng mga progresibong grupo para sa  pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa hanay ng NDF-CPP at gobyerno ng Pilipinas ay ang pagpapalaya sa mga political detainees.

   Bilang bahagi ng nasabing kampanya ay nagbukas ng Photo-Art Exhibit ng mga bilanggong pulitikal sa Wesleyan University-Philippines sa Cabanatuan City ang MARTYR-NE na isang samahan ng pamilya at kaanak ng mga political prisoners katuwang ang Karapatan na isang Human Rights Organization.

Si aling Juliet asawa ni Leopoldo Caloza na isang political detainee habang ikinukwento ang kanilang buhay sa Balitang Unang Sigaw.

Si aling Juliet asawa ni Leopoldo Caloza na isang political detainee habang ikinukwento ang kanilang buhay sa Balitang Unang Sigaw.

   Ayon kay Sister Cecille Ruiz ng Karapatan, sina Guiller Martin Cadano at Gerald Salonga mismo ang nagsulat ng mga tula, at gumuhit ng mga larawan ng kanilang sarili na ginamit sa exhibit.

Ang mga drawing ni Gerald Salonga na iginuhit habang nakakulong sa San Jose City Jail hanggang malipat sa Nueva Ecija Jail sa Cabanatuan City.

Ang mga drawing ni Gerald Salonga na iginuhit habang nakakulong sa San Jose City Jail hanggang malipat sa Nueva Ecija Jail sa Cabanatuan City.

  Sa pamamagitan ng mga litrato, drawing, at tula ay makikita at madarama ang buhay at pakikibaka ng mga aktibistang nakulong dahil sa kanilang pagsalungat at pagpuna sa pamahalaan.

   Kabilang sa mga political detainees ay ang asawa ni Juliet Caloza na si Leopoldo Caloza na sampong taon ng nakapiit dahil pinaratangan umano ng mga militar na miyembro ng NPA.

   Dahil sa pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga political prisoners at pangakong palalayain ang ito, bago pa man siya maupo sa pwesto ay nabuhay ang pag-asa ni aling Juliet na makakalaya na ang kaniyang kabiyak.- ulat ni Clariza de Guzman